sa kakabasa ko ng blog kanina, kung saan saan na ko nakarating..
pero silent reader lang ang trip ko kanina. di ko magawang magcomment.
iba't-ibang blog..
iba't-iba ring stilo ng pagsulat.
merong nanakot, nagkukwento,
nagpapatawa at nagnonobela.
minsang may nabasa akong post na nagkwento ng kanyang lovestory. kung papano sya nainlove sa kanyang bestfriend, nagkalayo pero pinaglapit pa rin ng panahon. lalaki ang nagmamay-ari ng blog na yun. at aminado ko, talagang nagandahan ako sa mga post nya.
may narating din akong isang blogsite na nagpapacontest. topic? kwentong pag-ibig. kahit anong angulo ng pag-ibig,pasok! then naisip ko, tamang tama dun yung site na napuntahan ko kanina lang, swak na swak. yung blog ng isang lalaki na madalas magkwento ng tungkol sa pag ibig, at bidang bida ang bestfriend nya.
gusto ko sana padalhan ng message yung lalaking yun, at isuggest na sumali sya sa pacontest na yun, kaso dyahe naman, ano ako, fc? feeling close? hahaha tsaka pano? eh di ko alam ang e-mail nya. ang meron lang dun sa friendster blog nya, eh comment box at wala ng iba pang link.
so ayun, napagdesisyunan kong wag na lang sya gambalain. (wattah word haha)
nung magsawa na ako kakabasa ng blog, naisipan kong gumawa ng poem. target ko sana love poem. naimpluwensyahan ata ako kakabasa ng blog ng iba eh. so kuha agad akong bolpen at papel sabay labas ng kwarto.balak ko magsulat sa dinning table ng biglang..
"ella, gawa ka ngang pizza roll"
boses ni nanay.
ano pa nga ba,eh di tinabi ko yung bolpen at papel at nagsimulang ipunin ang ingredients.
kulang lang ng ham. nakalimot ata bumili si nanay.
so yun, after magprepare;
trinabaho ko na.. feeling cook ulet ako ng mga oras na yun.
pizza roll bago i-deep fry^^
pagsusulat na nauwi sa pagluluto
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
sarap!
ganyan ang tama.
magsusulat dapat
pero walang masulat
nagluto na lang
tapos
may nasulat na
stig!
@abou :) salamat.
@pabling onga nuh, ngayon ko lang naisip, may nasulat pala ko dahil sa pagluluto LOL
Post a Comment