ilang linggo rin kitang iniyakan,
ilang gabi rin na ikaw ang laging nasa isipan.
pero nang mga oras na yun,
wala ni isang bahid ng galit
akong naramdaman.
pilit nagtatanong ang aking isipan,
bakit mo ko iniwan ng ganun ganun lang?
tahimik, walang bakas, walang imik..
buong akala ko abala ka lang.
yun pala,
unti-unting lumalayo kana.
nakita ko siya,
siya na ipinagpalit mo sa akin.
naiintindihan ko, alam ko..
ang ikinaiinis ko lang,
bakit di ko makuhang magalit sayo?
unti-unti kong tinanggap
ang aking kapalaran,
araw araw sinubukan kong ika'y kalimutan.
lumipas ang walong buwan,
lahat ng bakas at alaala mo'y akin ng nalimutan.
pero kagabi, anong nangyari sayo?
ihip ng hangin, bigla atang nagbago.
nagparamdam ka,
pangalan mo ang nakita ko
ng tumunog ang cell ko.
anong gusto mo?
diba nga't iniwan mo na ko?
sa umpisa natuwa ako
sapagkat naalala mo ako,
ngunit makalipas ang limang segundo,
narealize ko,
mali pala ang sumaya ako,
iniwan mo ko,
pinaiyak mo ko,
ayoko na, tama na..
mas mabuti ng kalimutan ka,
wag mo nang balikan
ang mundo kong winasak mo noon.
on the spot yung tula ko sa taas, akalain mo yun?! hahaha.. ayaw na talaga, tama na..
gumagawa ako nun ng drawing ng isang ipis na balak ko isubmmit sa entry ni kikilabotz ng biglang magring yung phone ko, and then yun nga, nakita ko name 'niya' sa screen.. aba napasmile ba naman ako, but then naalala ko yung sakit na nangyari nung iwan niya ko.. so ayun, tumaas adrenaline ko.. hinayaan ko lang yung phone ko. balik ako dun sa dinodrawing ko, binura ko lahat, pinalitan ko ng isang short message at ginawa kong 'picture of the day' dun sa 365 days photos ko..
at ayun nga pala sa taas yung sinasabi kong short message :)
saka na muna yung ipis.. mahirap kasi magdrawing kung di ka naman talaga marunong. pero syempre magsusubmmit pa rin ako, nangako na ko weh.aheh :
)
im over you
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Hahaha! Mukhang nasaktan u tlga ng todo ah.. :D
it was one of the worst downfall..
Post a Comment