bad day

july 1
unang araw ng termino ni Pangulong noynoy, samantalang buong araw namang kamalasan para sakin.

grrrhh! naiinis ako.

5:30am
nag-alarm yung phone ko, nagising naman agad ako. pero dahil over-over pa ang antok ko, kayat nakatulog rin agad ako ng di ko namamalayan.

8am
nagising ako sa boses ni nanay. galit na naman sakin, di pa daw kasi ko gumigising. kaya yun,bangon agad ako. tingin agad sa oras at booomm! "LATE NA KO!"

bakit kasi nakatulog pa ko ulet. 8am ang pasok, 8am din nagising. how nice. 1 hour ang byahe, 1 hour din ang pagprepare ng sarili. hulaan mu an0ng oras ako nakapasok?!

10:30am!

8am ang start, 10:30 na pumasok.. nakakahiya ka ella, waah!

dapithapon..

cramming na. (tama ba spell? haha)
copy dito paste duon, edit dito delete duon. makasubmmit lang on time. nakakalokang script, gusto ko na magsuicide! *tawa* ang ganda na sana nung flash game ko eh, nakita na yun ni sir, kulang na lang ng "try again" codes. pilit kong inayos, dinagdagan yung codes,pero jusmiyoperdon! duduguin ako sa ilong, ang hirap talaga! so i ended up copying someone else's code. pero pumangit yung game ko ng k0pyahin ko yun. ang pangit talaga! gusto kong ibalik sa dati yung code ko.pero kulang yun.baka di checkan ni sir pag kulang,so nagtyaga ako dun sa pangit pero kumpleto. then yun,sinend na namin sa email ni sir. kaso kinakabahan ako, gusto ni sir magpost kami sa FB nya ng "i ___ pass the requirements not by copying bla bla bla" something like that.. ngayon sabihin mo sakin, kung bat di dapat ako kabahan? waaah, kalerky!

i cant afford to fail any of my subjects this sem..

isa pang kamalasan..

umalis ako saglit sa table ko, pagbalik ko nakaupo na classmate ko, at pinakekelaman laptop ko, nagopen ng application, at yun naghang laptop ko. pakelamera. gusto ko magalit, pero mas pinili kong maging tahimik. sabay pindot ng CTRL+ALT+DEL. tapos hinanap ko kung an0ng kumakain ng memory ko at naghahang.. firefox, macro flash8, at ultrasurf yung may pinakamataas kaya yun ang inEND PROCESS ko. so ok na ulet, di na nag-hang. nang bigla ko maalala yung ultrasurf. patay! inopen ko ulet, pero wala na.. ayaw na sya maopen.. dahil lang sa end process, di na sya gumana.. nakakainis!

yun pa naman ang ginagamit ko pang surf sa net. unlimited kasi yun, di tulad sa skul, 15hours lang per sem ang laman ng account pangnet.. nkakaasar talaga! lahat ng version ng ultrasurf, nasira ko nj.. sa iba't ibang dahilan at paraan..


bat ba ang malas ko ngayon?

:(

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment