Showing posts with label job. Show all posts
Showing posts with label job. Show all posts

I got sunshine^^

I'm happy...
I'm feeling glad..

I got sunshine
... ♫
ang saya ko talaga kaninang umaga.. iiieeehh.



lagi kami nagkakatabi sa jeep pagpasok ng trabaho, pero kanina lang niya ko kinibo. kahapon lang, nagkahiwalay pa kami kasi sumingit si manong sa gitna namin, pero ngayon bawing-bawi na ako. quotang quota na! woooh..
medyo mahaba haba din napagkwentuhan namin, nagsimula lang sa...

"ang aga nating dalawa ngayon ah"

pareho kasi kami nag-aantay ng jeep nung time na yun.. around 5am. gaya ng sabi ko, lagi kami nagkakasabay sa pagpasok sa trabaho. tas ayun na nga, todo smile naman ako nung kausapin niya ko, sabi ko sa sarili ko, "yes napansin rin ako" tapos naman, sa sobrang saya ko.. "Oo nga" lang nasagot ko. grrh, sabi ko 'patay na, end of conversation agad to' ang tipid ng sagot ko.


pero hindi...


buti na lang may follow up question siya. at dun na nagsimula ang kwentuhan namin habang nag-aantay ng 1st trip na jeep. napag usapan din namin yung day-off bukas. wala siya pasok pero ako meron, di pa kasi ako nakaka 1month sa work kaya di pa ako makakasabay sa day-off bukas.. (wawa naman ako)

ngayon, naalala ko.. di ko siya makakasabay bukas sa pagpasok sa work. then sa monday, iba na shift ko, di ko na siya makakasabay... hala, kelan na ulet?


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

status: satisfied

isang week rin ako nawala dito sa bahay.. balik pagboboard ulit. kung pwede lang talagang palaging 1st shift ako sa trabaho, di na sana ako magboboard. kaso no choice, every two weeks, nagpapalit ng shift sa trabaho ko. dagdag gastos pa tuloy (bayad sa rent). tapos di na rin ako makapag net araw araw.
tapos na din pala sa wakas yung training namin. employed na ko
ang saya rin nung training namin kahit minsan inaantok ako, gawa ng 2pm to 10 pm ang shift ko. meron na rin pala kaming mga team ngayon. bali, ibi-nase yung name ng mga grupo namin sa product ng client namin. namely McIntosh (red), Braeburn (green), Cortland (blue) at Cameo (pink). and sadly, yung mga nakakilala ko nung start ng training eh hindi ko nakagrupo. pero ngayon, ayos na.. may bago na naman akong nakakilala at nakakaclose ngayon. si Ron at Gina, palagi ko silang kasabay magbreak at magdinner, pati rin pala magwithdraw . team Cortland kami. ewan, pero kung ako papapiliin, mas gusto ko sa McIntosh, haha andun kasi yung "apple of my eye" charrr!!

nakuha ko na rin yung allowance ko sa training. ang saya lang sa feeling kapag kahit papano, nabilhan mo magulang mo ng bagay na galing sa sarili mong bulsa noh? nabilhan ko na si nanay ng promise kong blender, pati yung request niyang rice cooker na may steamer. tapos nag ambag rin ako sa grinocery namin kahapon. thank you talaga Lord sa blessing!

maya maya, i'll be leavin' my home again.. balik boarding house. so, pano ba yan computer, see you next week?

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Stepping stone


Sa wakas, may pinagkakaabalahan na ulit ako maliban pa sa pagsagot ng crossword puzzle. *huge smile* Nasa training na ko, kasama si odhie! Buti na lang nga at nagkasama kami sa iisang project kahit di kami sabay nag apply nuon. At teka, andun din pala si tinga *grin* classmate ko nung highschool, walang pinagbago.. ang sarap niya pa rin i-joke at ang hilig pa rin niya mangurot. konti pa lang kilala ko sa team, yung mga nakakatabi ko lang sa upuan nakikilala ko, tulad ni.. ummnn.. jona – BU graduate din, tin – Comp programmer, Jonalyn – ano na nga ulet profile niya? Wapakz nalimutan ko na agad *shy smile* basta makulit na bata yun, lagi ako kinakalabit at nagpapatulong. Apelyido niya pala, PAPA. O, search na agad sa facebook dali!

Ganun pala dun, busy lahat ng mga tao. di gaya sa pinag OJT'han ko.. pafacebook facebook lang, kwentuhan at pakain-kain. Buong maghapon busy kami sa harap ng computer nagfoformat ng html codes; yung iba nagtatranscribe, yung iba writers. tunog lang ng keyboard ang pinakamaingay. Nung Monday to Wednesday ang iingay pa namin, tanong kami ng tanong kina ate tess at kuya alwin (assistant nila sir) kung anong gagawin. Pero the next day, keyboard na ang maingay, kami tahimik na. nakaka-adapt na. Ang daya pa.. sabi ni sir mag aasign siya ng isang tao para sa gagawa nung images sa photoshop, akala ko pag naassign na dun i-pupull out na sa pagformat ng html, yun pala hindi.. waaaaah nadoble pa tuloy yung trabaho. Taga format na, taga photoshop pa. pinagpapalista kami kung sino raw marunong sa photoshop, at pipili sila sir ng isang tao, gustong-gusto pa naman namin ni kuya (nakalimutan kong name niya,basta yung nakasabay ko sa pagpalista) na maasign sa photoshop dahil mas madali yun, kesa sa pagformat ng html. Ngorkz! Ayun, malas pala kasi madodoble ang trabaho. Sana hindi na lang ako napili sa photoshop na yun wahaha. Ngayon tuloy nahuhuli ako sa quota ng formatting. Ummnn… pero okay na rin, sige lang. keri naman. Atleast may irarason ako kung bakit di ko nahabol ang quota hahaha. *evil laugh*

DAY 01:
ang malas.. nasiraan ako ng flat shoes. on the first day of training pa! natanggal yung ribbon. >_<

DAY 02:
kinausap kami ng Gen. Manager.. sooooobrang nainspire ako. a man of few words, pero malaman! natatandaan ko pa yung sabi niya:


"if you fail, you failed the company.
if you succeed, you succeed as a team!"

DAY 03:
kinausap ako ni sir George, interview about Photoshop. and unfortunately, i won the slot. ngorkz!

DAY 04:
ioorient daw ako about sa images... yun pala papapanoorin lang ako ng presentation. di man nag explain. waaaaaahh!

DAY 05:
quotang-quota na ko. 4 files ngayong araw. pwede na yun, to think multi tasking pa ko kumpara sa kanila. aba, dalawa kaya ginagawa ko. eh sila nagpo-format lang.

:D



Confidential lahat ng business na tumatakbo sa work namin, basta napakayaman at sikat na sikat (promise!) ang client namin. International siya gaya ng microsoft^^


Tay, alam ko mababasa mo tong post ko, ikaw pa! ang galling mo mag update sa mga activities ko sa net. *smile* sorry di ako nakakarply sa mga text mo po. Alam mo na, di nagloload hehe. Yung mga tanong mo, eto, nisagot ko na^^ ingat lagi, wag na masyado magpapapagod, sabi ni nanay sumasakit na daw braso mo (o balikat ata yun, basta) pagaling ka tay, kung hindi man, uwi ka na dito. Ukie? Loveyou Godbless!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

boogs boogs sabi ng aking boobs.. ay hindi!

it started this morning 7:30 am.. gumising pa ko ng 5:45am para lang di umabot ng humihingal sa Building nila. yung 1 hour ko sa bus ginugol ko sa pagiidlip.. heck! master of sleepiness pa naman ako, so what do you expect? *yawn*


so pagdating dun, 'dug! dug! dug!' sabi ng puso ko.haha joke lang. di ako kinakabahan that time. nagwoworry ako sa requirements ko.. kulang kasi. eh bawal pa naman mag exam sa kanila pag kulang yung requirements.

tas maya maya may lumabas na girl sa pinto ng HR. ayan na.. ayan na si miss... si miss.. ah basta, nakalimutan ko name ni mam.. ang lakas kasi sound effect (sound effect? haha) ng aircon nung magpakilala si mam last time, kaya ayun di ko marinig masyado (nasa likod ko ang malaking aircon kaya nabibingi ako)

so yun, pagdating sa examination room dasal talaga ako ng dasal na makalusot ang requirements ko. at wapak! di naman nagcheck ng reqs! waaaaaaahhh!!! grabe yun, worry ako ng worry tas wala naman pala, ba't yun? bat di ko man lang naramdaman na walang magaganap na checkan ng reqs? hmpft! nasayang yung kabooogs kabooogs ng heart ko. di na naman pala strick sa reqs kapag nakapass na sa 2nd initiation.

at yun na nga, nagsimula na ang exam namin, ang lupit. yun na pinakamahabang exam sa buhay ko.. 7:30am-12:30pm walang break kahit 10 seconds. pwede naman magbreak, pero mas matatagalan lang oras ko. kaya inistraight ko na. naranasan ko na naman magcompose ng paragraphs using carabao english.. hahaha


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

next level.... requirements.



so tapos na interview, buti na lang nakalabas pa ko ng buhay. phew!




ayan ang requirements nila, yung sa may original copy ang wala pa ko kahit isa.




waaah, bat ganun.. parang gusto ko na umatras...

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

passed





yipeeh.. pasado sa second level.. IQ test and grammar.


apat lang nakapasa kanina. So tatlo ang kalaban ko bukas. yay!


bukas naman final interview.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS