hay buhay

.
walang kuryente


walang tubig



ano ba namang bansa toh, minsan talaga nakakainis na.


pumasok ako kanina, tinatamad nga ako eh, kung di lang talaga kami nakaschedule na maginterview sa client namin after class.. di ako papasok.

nakalimutan ko sabihin, may bagyo pala samin ngayon.pero nung mga oras na yun, maganda yung panahon, hindi mainit, hindi rin malamig. tama lang.


sumakay ako ng jeep. tatlo lang kaming pasahero. dalawa kami sa loob, yung isa katabi ng driver. sa di maipaliwanag na kadahilanan, yung lalaking nasa unahan ko lang ng onti, eh lingon ng lingon sa direksyon ko. tumitingin, tapos pagtiningnan ko na, umiiwas na siya. hanggang makababa ako, ganun na ganun ang pangyayari. para lang sira ulo sa isip ko. mukhang tutubi.

pagdating sa school, wala pa si sir, andun pa mga classmate ko sa labas ng bldg. nagkikwentuhan, nakisali naman ako. dumaan ang isang oras, wala pa rin si sir. dumidilim na ang langit, tandang uulan na. yung mga estudyante sa kabilang bldg nagsilabasan na, dissmissed na ata lahat ng klase. wala naman kasing kuryente tapos mukhang uulan pa ng malakas. halos karamihan nagsisiuwian na, pati yung hate kong prof, nakita kong bitbit na ang gamit at uuwi na sa lungga niya.unti unti, nagsisiuwian na rin mga classmate ko. so sabi ko kay ana, "uwi na rin tayo, next time na lang tayo maginterview, mukhang babagyo na eh" pumayag naman siya. so ayun, umuwi na kami. nasa gate palang kami ng magsimula ng umulan,buti nalang nakasakay agad ako ng jeep papuntang terminal ng bus.nung nasa jeep na ako umulan na talaga ng malakas, as in to do bigay.

Pagdating kong terminal, tinanong agad ako ng isang lalaki, "miss pasorsogon ka?" di ko siya sinagot, umalis agad ako sa harap nya (mataray? di naman, ayoko lang makipagusap) nung paalis na ko sa harap nya, narinig ko ulet syang nagsalita "bat parang takot ka sakin, di naman ako multo ah" dun ako napatawa, pero syempre di nya alam na tumawa ako,diretso lang ako sa paglalakad. panong di ako matatawa, eh mukha talaga syang multo (no offense) pero ang asim talaga nung mukha eh.tas basa pa yung buhok na parang naulanan.. yung ngipin di pantay pantay ang kulay tas may mga space pa, marumi ang maitim niyang mukha gawa ng punong puno ng pimples, siguro yung mukhang yun ang dahilan kaya ayoko sagutin yung tanong niya at umalis agad ng pwestong yun..


ewan, siguro nga masyado ako naging rude.. pero kasi eh, alam mo yun.. yung tipong.. basta..


alam ko ang bad ko ngayon. sorry.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment