aray aray masakit!!

.

masakit!


maaga akong gumising kahapon.
mga 7am ata (oo, maaga na sakin yun hehe)
may balak kasi kaming maligo sa malapit na beach.
tulad ng nakagawian, parang pang exercise lang.
dahil nga sa malapit lang naman,
naisipan na naming lakarin na lang,
pagdating sa dagat puro mga bata pa lang ang naliligo,
naupo muna kami sa cottage, nagpahinga't nagpahangin.
after 20minutes,naligo na rin kami.
ang sarap, ang lamig ng tubig dagat at ang linaw talaga.
nawili akong lumangoy at maghand-stand sa tubig,
mejo may wave yung dagat kaya natutumba agad ako, at napipilipit kamay at katawan ko.
pero wala naman akong nararamdamang sakit,
suot ko pa shades ko nun habang nagpofloating haha mainit eh.
almost 1 and a half hours din kami dun bago umuwi,
pag uwi lakad ulet, (exercise nga kasi!)

pagdating sa bahay, nagshower agad ako.
nagkulong sa kwarto at nakatulog ulet.

paggising ko, yun na!
ang bigat ng kaliwang binti ko.
di ko magalaw, tapos kapag igagalaw ko kumikirot.
para akong sinuntok sa legs.
feeling ko nabali yung buto ko.
ang sakit kasi talaga.

matagal bago ako nakabangon sa kama,
para pa nga akong pilay habang naglalakad eh,
hindi ako makaupo sa mga paa ko,
lalo kasing sumasakit everytime na mabebend ang tuhod ko.

di ko alam kung dahil ba sa paghahand-stand ko sa dagat,
or dahil sa paglalakad namin papunta at pauwi ang dahilan
ng pagsakit ng left leg ko.

buti na lang ngayong araw, medyo ok na ko.
nakakalakad na ko ng matino, pero
di ko pa rin mabend ang tuhod ko ng hindi nasasaktan.

ugh! ang sakit pa rin kapag nabebend..


:[

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

2 comments:

kikilabotz said...

ano b yung handstand? hnd ko kasi alam yun. waaaaaaahhh. gusto ko magswimming

definella said...

sama ka sakin swimming tay0.. ahaha

handstand ba?
parang tumbling yun, pero naka-hang sa ere yung paa.
yung kamay mu nasa ground, yun yung magiging paa mu,
tas yung paa naman, nasa ere.
habang nasa tubig ka :)

Post a Comment