sa kakabasa ko ng blog kanina, kung saan saan na ko nakarating..
pero silent reader lang ang trip ko kanina. di ko magawang magcomment.
iba't-ibang blog..
iba't-iba ring stilo ng pagsulat.
merong nanakot, nagkukwento,
nagpapatawa at nagnonobela.
minsang may nabasa akong post na nagkwento ng kanyang lovestory. kung papano sya nainlove sa kanyang bestfriend, nagkalayo pero pinaglapit pa rin ng panahon. lalaki ang nagmamay-ari ng blog na yun. at aminado ko, talagang nagandahan ako sa mga post nya.
may narating din akong isang blogsite na nagpapacontest. topic? kwentong pag-ibig. kahit anong angulo ng pag-ibig,pasok! then naisip ko, tamang tama dun yung site na napuntahan ko kanina lang, swak na swak. yung blog ng isang lalaki na madalas magkwento ng tungkol sa pag ibig, at bidang bida ang bestfriend nya.
gusto ko sana padalhan ng message yung lalaking yun, at isuggest na sumali sya sa pacontest na yun, kaso dyahe naman, ano ako, fc? feeling close? hahaha tsaka pano? eh di ko alam ang e-mail nya. ang meron lang dun sa friendster blog nya, eh comment box at wala ng iba pang link.
so ayun, napagdesisyunan kong wag na lang sya gambalain. (wattah word haha)
nung magsawa na ako kakabasa ng blog, naisipan kong gumawa ng poem. target ko sana love poem. naimpluwensyahan ata ako kakabasa ng blog ng iba eh. so kuha agad akong bolpen at papel sabay labas ng kwarto.balak ko magsulat sa dinning table ng biglang..
"ella, gawa ka ngang pizza roll"
boses ni nanay.
ano pa nga ba,eh di tinabi ko yung bolpen at papel at nagsimulang ipunin ang ingredients.
kulang lang ng ham. nakalimot ata bumili si nanay.
so yun, after magprepare;
trinabaho ko na.. feeling cook ulet ako ng mga oras na yun.
pizza roll bago i-deep fry^^
pagsusulat na nauwi sa pagluluto
skip skip skip
I just decided na wag na lang i-blog at wag ng ilagay dito sa online diary ko yung projects stress, family problem, outing at yung pag celebrate namin ng birthday ni odhie
kasi..,
UNA,
lalo lang ako maistress kapag babalikan ko pa yung mga nakakastress na projects namin, lalo na sa game devt wherein gagawa kami ng flash game INDIVIDUALLY. honestly, di talaga ako marunong dun. meron pang SE, SP at project sa database! *deep sigh* teka, naistress na naman tuloy ata ako.stop na tayo sa kwentong yun.
PANGALAWA,
family problem?! yun din, isa pang nakakastress na usapin. ilang beses din ako napaiyak sa issue na to. yung as in iyak na pang oscar. ayoko na ikwento to dahil medyo private na, siguro sa diary book ko na lang ikikwento ang tungkol dito. tska tingin ko, ok na ulet family namin eh. naguusap na naman ulet parents ko. so siguro ok na.
PANGATLO,
outing. yun, parang semi foodtrip na rin dahil homemade yung mga pagkaing prinepare namin para sa outing. thanks to ana's dad. ayoko na tong i-blog kasi mejo tinatamad na ako. LOL but it was really really fun.
PANG APAT,
odhie's birthday celebration. eto madami kaming surprises. we love surprise. pero ayoko nang i-blog din kasi mejo naguguilty ako. yung ibang classmate namin, nagtatanong kung bakit di daw namin sila ininvite. well, for me kasi, it was a private celebration. exclusive for me and my circle of friends. kaming 8 plus emz and maru. kung marami kasi, sure na dyan yung magkakanya kanyang grupo. dahil iba iba naman kami ng mga kaibigan at ng mga trip. so baka di kami masyado magenjoy kasi may kanya kanya. pero syempre, i felt bad din talaga kasi yun nga, di namin sila ininvite, parang ang dating, naging selfish kami. so ayaw ko na, di ko na lang isasama sa online diary ko. sa diary book ko na lang din to.
so ayun, move to the next happenings naman.
I.T. acquaintance party
remember my entry 'bout me having a bad haircut? oh yun! yun ang reason kung bakit ibang ulo ang nakalagay sa picture dyan sa taas XD di talaga kasi bagay sakin yung haircut ko weh, ambaduy over over! pero kapag humaba na ulet buhok ko, naku jusko! magpipicture picture talaga ko ng bonggang-bongga, yung madaming madami hahaha. pero sa ngayon, tago ulo muna *grin*
acquaintance party - july 23,2010
ikalawang beses na attend ko pa lang tong aquaintance na to. once nung 3rd year at ngayong 4th year. and hopefully last na rin, sana swertehin ako at makagraduate ng sakto sa apat na taon :)
the night before the acquaintance, was a busy night. i was preparing our block's video presentation, and yep! ako yung gumawa (nakz!) dalawang song ang ginamit ko, una groove. yung lahat mapapakanta at mapapasayaw then next was a love song para sa mga couple at pairs na gusto mag suite dance. then yun, nung prinesent na yung video namin, sobrang saya ko. kasi lahat ng block B at old block B ay humihiyaw at nagchecheer, pati nga ibang block at year level eh napapasabay na rin eh, marahil sa kanta ata. nagustuhan yata yung pagkakagawa at pati choice of songs.
i uploaded the video on my facebook^^
nagpicture taking din pala kami sa field at sa stage habang yung iba eh busy sa pagiging PARTY PEOPLE. nung passed 12mn na, sinundo na kami ng papa ni ana, at dun kami sa house nila natulog.
ang malas nga lang, dahil yung memorycard ng digicam na ginamit namin sa pagpipicture taking eh may virus pa ata. di kasi maview sa pc/laptop yung mga pictures pero dun sa digicam navuview naman. sayang! todo pose pa naman ako dun *grin*
ang meron lang akong picture eh yung sa phone ni jesse na halos sa bahay lang nila ana ang kuha. wala sa event mismo.
pero anyway...
i had so much fun^^
looking forward for the kick off party *grin*
update lang muna
ang tagal ko di nakapagpost..
dami nangyari, dami ko rin gusto ikwento pero hindi lahat pwede ipaalam.
siguro next time pag nakabwelo iisa-isahin ko.
o baka kalimutan ko na lang at move to new story of life
tahaha
*projectssss stress
*family problem
*outing
*birtday celebration ni odhie
*acquaintance party
and ooopps! nagmessage si tatay sa facebook.
he's reading all my post pala?!
and from now on, babantayan na daw lahat ng galaw ko sa net.
waaaaaahhh!!! ayaw na..
kelangan safe lahat ng post..
sana wala mabuking. toinks!
*crosssfingers sabay pikit matang madiin*
tahahah
paranormal activity 2.. excited na kowww!!
isa ako sa mga panatiko ng paranormal activity movie.
as in talagang feel na feel ko yung takot habang nanonood ako.
lights off
mag isa sa kwarto
11:30 ng gabi
tell me sinong di matatakot manood ng horror movie kung ganun ang setting
haha.. nagtapang-tapangan lang ako habang nanonood nun,
tipong gusto ko nang i-off yung laptop, pero sabi ko sa sarili ko
"dapat tapusin ko to, matapang ako"
so yun, kapag masyado ng tahimik yung scene umaatras ako ng konti sa upuan
nagreready sa susunod na pangyayari,
baka bigla akong takutin eh..
maganda yung stlye ng movie, hindi tulad ng mga usual horror movies na may mga dugo dugo ang mukha, may mga lamang loob ng tao at kung ano-ano pa.. dito sa paranormal activity parang nanonood ka lang ng record sa cctv camera.. kung marami kayong nanonood at maiingay pa, di talaga kayo matatakot, maboboring lang kayo.
dapat talaga mag-isa lang.. para feel na feel mo yung kwento, tulad ko.
ngayon naman, nakaready na ang susunod nilang part.
ayon sa nabasa ko, october 22, 2010 daw ang release..
excited na nga ako eh,
gusto ko ulet takutin ang sarili ko,
gusto ko ulet di makatulog ng maayos dahil sa takot.
eto nga pala yung trailer..
hay buhay
.
walang kuryente
walang tubig
ano ba namang bansa toh, minsan talaga nakakainis na.
pumasok ako kanina, tinatamad nga ako eh, kung di lang talaga kami nakaschedule na maginterview sa client namin after class.. di ako papasok.
nakalimutan ko sabihin, may bagyo pala samin ngayon.pero nung mga oras na yun, maganda yung panahon, hindi mainit, hindi rin malamig. tama lang.
sumakay ako ng jeep. tatlo lang kaming pasahero. dalawa kami sa loob, yung isa katabi ng driver. sa di maipaliwanag na kadahilanan, yung lalaking nasa unahan ko lang ng onti, eh lingon ng lingon sa direksyon ko. tumitingin, tapos pagtiningnan ko na, umiiwas na siya. hanggang makababa ako, ganun na ganun ang pangyayari. para lang sira ulo sa isip ko. mukhang tutubi.
pagdating sa school, wala pa si sir, andun pa mga classmate ko sa labas ng bldg. nagkikwentuhan, nakisali naman ako. dumaan ang isang oras, wala pa rin si sir. dumidilim na ang langit, tandang uulan na. yung mga estudyante sa kabilang bldg nagsilabasan na, dissmissed na ata lahat ng klase. wala naman kasing kuryente tapos mukhang uulan pa ng malakas. halos karamihan nagsisiuwian na, pati yung hate kong prof, nakita kong bitbit na ang gamit at uuwi na sa lungga niya.unti unti, nagsisiuwian na rin mga classmate ko. so sabi ko kay ana, "uwi na rin tayo, next time na lang tayo maginterview, mukhang babagyo na eh" pumayag naman siya. so ayun, umuwi na kami. nasa gate palang kami ng magsimula ng umulan,buti nalang nakasakay agad ako ng jeep papuntang terminal ng bus.nung nasa jeep na ako umulan na talaga ng malakas, as in to do bigay.
Pagdating kong terminal, tinanong agad ako ng isang lalaki, "miss pasorsogon ka?" di ko siya sinagot, umalis agad ako sa harap nya (mataray? di naman, ayoko lang makipagusap) nung paalis na ko sa harap nya, narinig ko ulet syang nagsalita "bat parang takot ka sakin, di naman ako multo ah" dun ako napatawa, pero syempre di nya alam na tumawa ako,diretso lang ako sa paglalakad. panong di ako matatawa, eh mukha talaga syang multo (no offense) pero ang asim talaga nung mukha eh.tas basa pa yung buhok na parang naulanan.. yung ngipin di pantay pantay ang kulay tas may mga space pa, marumi ang maitim niyang mukha gawa ng punong puno ng pimples, siguro yung mukhang yun ang dahilan kaya ayoko sagutin yung tanong niya at umalis agad ng pwestong yun..
ewan, siguro nga masyado ako naging rude.. pero kasi eh, alam mo yun.. yung tipong.. basta..
alam ko ang bad ko ngayon. sorry.
Intelligent Adult Humor & Funny Jokes: Philosophical, Political, Twisted, Stupid Humor
Intelligent Adult Humor & Funny Jokes: Philosophical, Political, Twisted, Stupid Humor: "http://www.spaceandmotion.com/philosophy-shop/humor-political-satire-stupid-funny-stuff.htm"
im over you
ilang linggo rin kitang iniyakan,
ilang gabi rin na ikaw ang laging nasa isipan.
pero nang mga oras na yun,
wala ni isang bahid ng galit
akong naramdaman.
pilit nagtatanong ang aking isipan,
bakit mo ko iniwan ng ganun ganun lang?
tahimik, walang bakas, walang imik..
buong akala ko abala ka lang.
yun pala,
unti-unting lumalayo kana.
nakita ko siya,
siya na ipinagpalit mo sa akin.
naiintindihan ko, alam ko..
ang ikinaiinis ko lang,
bakit di ko makuhang magalit sayo?
unti-unti kong tinanggap
ang aking kapalaran,
araw araw sinubukan kong ika'y kalimutan.
lumipas ang walong buwan,
lahat ng bakas at alaala mo'y akin ng nalimutan.
pero kagabi, anong nangyari sayo?
ihip ng hangin, bigla atang nagbago.
nagparamdam ka,
pangalan mo ang nakita ko
ng tumunog ang cell ko.
anong gusto mo?
diba nga't iniwan mo na ko?
sa umpisa natuwa ako
sapagkat naalala mo ako,
ngunit makalipas ang limang segundo,
narealize ko,
mali pala ang sumaya ako,
iniwan mo ko,
pinaiyak mo ko,
ayoko na, tama na..
mas mabuti ng kalimutan ka,
wag mo nang balikan
ang mundo kong winasak mo noon.
on the spot yung tula ko sa taas, akalain mo yun?! hahaha.. ayaw na talaga, tama na..
gumagawa ako nun ng drawing ng isang ipis na balak ko isubmmit sa entry ni kikilabotz ng biglang magring yung phone ko, and then yun nga, nakita ko name 'niya' sa screen.. aba napasmile ba naman ako, but then naalala ko yung sakit na nangyari nung iwan niya ko.. so ayun, tumaas adrenaline ko.. hinayaan ko lang yung phone ko. balik ako dun sa dinodrawing ko, binura ko lahat, pinalitan ko ng isang short message at ginawa kong 'picture of the day' dun sa 365 days photos ko..
at ayun nga pala sa taas yung sinasabi kong short message :)
saka na muna yung ipis.. mahirap kasi magdrawing kung di ka naman talaga marunong. pero syempre magsusubmmit pa rin ako, nangako na ko weh.aheh :
)
G/Bagong gupit
nakasanayan ko ng magpagupit ng buhok kay nanay. di naman sya ganun karunong gumupit, pero pinagtyatyagaan ko na rin, di naman kasi ako pihikan pagdating sa style ng gupit. di rin ako mahilig makiuso sa mga napapanahong hairstyle, straight cut or v-shape lang, ok na ko. basta ba di ako magmukhang jologs, ang gusto ko lang eh mabawasan ang buhok ko. di na rin ako nagaabalang magpagupit sa parlor or salon sa kadahilanang:
1.mabilis humaba buhok ko,kaya ok lang kung hindi perfect pagkakagupit.
2.magastos.
3.tamad ako pumuntang parlor, lalo na kung nasa bahay ako kapag maisipan ko magpagupit.
4.minsan di na ko nagiisip sa resulta ng gupit, once na nagoffer ng gupit si nanay, go agad ako.
5.hindi sa lahat ng oras gusto ko mabawasan buhok ko, minsan gusto ko lang talaga na ginagalaw buhok ko.
usually, mga 1-2 inches lang ang pinapaputol ko. pero kahapon, umabot ng lagpas 3 inches ang gupit sakin. at talagang nainis ako!
hapon nuon, bandang 5pm ng tanungin ako ni nanay na gupitin ang buhok ko. payag agad ako kasi mahaba na nga talaga buhok ko. sabi ko hanggang ilalim ng kilikili lang, tsaka straight cut. so ayun, nagumpisa ang gupitan. maya maya dumating si kuya. non-stop ang pang ookray. pilit humihirit ng mga nkakabanas na joke. kesyo sabi kay nanay "nay buhok yang ginugupit mo, hindi walis tambo" tapos eto namang si nanay, tumatawa.. sa madaling sabi, hindi na sya nagkoconcentrate sa paggupit. gupit dito, gupit duon. hindi pantay, gupit ulet dito, gupit duon. hindi pa rin pantay. tapos tatawa pa. walanghiya, nakakainis talaga! sa sobrang inis ko, binara ko si kuya "kung ikaw kaya magpakalbo? ngayon mismo!" di sya nakaimik, mga ilang segundo umalis na sya. tuloy pa rin si nanay sa panggugupit. maya maya natapos na rin. pagharap kong salamin... BAKULAW NA MAY APAT NA SUNGAY!! ang sabi ko hanggang ilalim ng kilikili, pero ang nakita ko, hanggang balikat!! sobra sobra talaga yung inis na nararamdaman ko. imaginin mu, para akong si camille prats nung bata pa sya. ang pinagkaiba nga lang, sakanya bagay. sakin HINDI.. as in hindi talaga!!
binato ko yung katawan ko sa kama, ng makahawak ako ng unan, pinagbabato ko lahat ng yun. inis na inis talaga ako.
from that day, sinumpa ko na.. eto na ang huling beses na magpapagupit ako kay nanay.. never again!
hindi na ako nag attach pa ng picture ko, dahil nakakahiya talaga. pesteng haircut to. parang ayaw ko ng magpakita sa skul
*problematic*
i miss you channel
its been 10months since the last time na nasakin si channel.. ang maliit kong stuff toy na paboritong paborito ko. dinadala ko si channel minsan sa school, lagi nga sya kasama kapag nagpipicture taking mga tropa ko eh, parang artista lang.
pero yun nga, may mga pagkakataon talagang we have to go our separate ways and bid goodbye with our love ones.
september2009 ng ibigay ko si channel sa taong nagmarka ng lubos sa buhay ko.. taong hindi ko man madalas kausap, pero madalas namang laman ng isip ko *cheesy* sa umpisa wala lang sya sakin, pero habang tumatagal, umiiba na.. nagchuchuvachuchu na. alam mo yun? yun! tama! tama! nadevelop nga! kaso nagtataka ako, bakit ako nadevelop eh wala naman siyang ginagawa? nadala lang ba ko sa pagpe-pair ng mga kaibigan namin saming dalawa? at sa mga pinagsasasabi nila tungkol sakanya? naku, kung alam lang nila, ginagatungan lang nila lalo yung nararamdaman ko!
moving forward...
nagkita kami, kasama ang ilang mga kaibigan. kain dito, hatid duon, sundo dito bar duon. at the end of the night, binigyan ko sila ng regalo.. at yun nga, si channel ang ibinigay ko sakanya. importante siya kaya importante din ang iniregalo ko.. at si channel ang maswerteng napili ko.
at ngayon nga, mahigit kumulang 10months nang nasa kanya ang channel ko, sabi naman nya nuon sya daw bahala kay channel. at naniniwala naman akong iingatan nya yun.
namimiss na kita channel!
pati ang taong nagmamay-ari na sayo.. sooobra!
ayoko lang ipahalata sa kanya at sa mga kaibigan namin na namimiss ko kayong dalawa..
*sigh*
bad day
july 1
unang araw ng termino ni Pangulong noynoy, samantalang buong araw namang kamalasan para sakin.
grrrhh! naiinis ako.
5:30am
nag-alarm yung phone ko, nagising naman agad ako. pero dahil over-over pa ang antok ko, kayat nakatulog rin agad ako ng di ko namamalayan.
8am
nagising ako sa boses ni nanay. galit na naman sakin, di pa daw kasi ko gumigising. kaya yun,bangon agad ako. tingin agad sa oras at booomm! "LATE NA KO!"
bakit kasi nakatulog pa ko ulet. 8am ang pasok, 8am din nagising. how nice. 1 hour ang byahe, 1 hour din ang pagprepare ng sarili. hulaan mu an0ng oras ako nakapasok?!
10:30am!
8am ang start, 10:30 na pumasok.. nakakahiya ka ella, waah!
dapithapon..
cramming na. (tama ba spell? haha)
copy dito paste duon, edit dito delete duon. makasubmmit lang on time. nakakalokang script, gusto ko na magsuicide! *tawa* ang ganda na sana nung flash game ko eh, nakita na yun ni sir, kulang na lang ng "try again" codes. pilit kong inayos, dinagdagan yung codes,pero jusmiyoperdon! duduguin ako sa ilong, ang hirap talaga! so i ended up copying someone else's code. pero pumangit yung game ko ng k0pyahin ko yun. ang pangit talaga! gusto kong ibalik sa dati yung code ko.pero kulang yun.baka di checkan ni sir pag kulang,so nagtyaga ako dun sa pangit pero kumpleto. then yun,sinend na namin sa email ni sir. kaso kinakabahan ako, gusto ni sir magpost kami sa FB nya ng "i ___ pass the requirements not by copying bla bla bla" something like that.. ngayon sabihin mo sakin, kung bat di dapat ako kabahan? waaah, kalerky!
i cant afford to fail any of my subjects this sem..
isa pang kamalasan..
umalis ako saglit sa table ko, pagbalik ko nakaupo na classmate ko, at pinakekelaman laptop ko, nagopen ng application, at yun naghang laptop ko. pakelamera. gusto ko magalit, pero mas pinili kong maging tahimik. sabay pindot ng CTRL+ALT+DEL. tapos hinanap ko kung an0ng kumakain ng memory ko at naghahang.. firefox, macro flash8, at ultrasurf yung may pinakamataas kaya yun ang inEND PROCESS ko. so ok na ulet, di na nag-hang. nang bigla ko maalala yung ultrasurf. patay! inopen ko ulet, pero wala na.. ayaw na sya maopen.. dahil lang sa end process, di na sya gumana.. nakakainis!
yun pa naman ang ginagamit ko pang surf sa net. unlimited kasi yun, di tulad sa skul, 15hours lang per sem ang laman ng account pangnet.. nkakaasar talaga! lahat ng version ng ultrasurf, nasira ko nj.. sa iba't ibang dahilan at paraan..
bat ba ang malas ko ngayon?
:(