status: satisfied

isang week rin ako nawala dito sa bahay.. balik pagboboard ulit. kung pwede lang talagang palaging 1st shift ako sa trabaho, di na sana ako magboboard. kaso no choice, every two weeks, nagpapalit ng shift sa trabaho ko. dagdag gastos pa tuloy (bayad sa rent). tapos di na rin ako makapag net araw araw.
tapos na din pala sa wakas yung training namin. employed na ko
ang saya rin nung training namin kahit minsan inaantok ako, gawa ng 2pm to 10 pm ang shift ko. meron na rin pala kaming mga team ngayon. bali, ibi-nase yung name ng mga grupo namin sa product ng client namin. namely McIntosh (red), Braeburn (green), Cortland (blue) at Cameo (pink). and sadly, yung mga nakakilala ko nung start ng training eh hindi ko nakagrupo. pero ngayon, ayos na.. may bago na naman akong nakakilala at nakakaclose ngayon. si Ron at Gina, palagi ko silang kasabay magbreak at magdinner, pati rin pala magwithdraw . team Cortland kami. ewan, pero kung ako papapiliin, mas gusto ko sa McIntosh, haha andun kasi yung "apple of my eye" charrr!!

nakuha ko na rin yung allowance ko sa training. ang saya lang sa feeling kapag kahit papano, nabilhan mo magulang mo ng bagay na galing sa sarili mong bulsa noh? nabilhan ko na si nanay ng promise kong blender, pati yung request niyang rice cooker na may steamer. tapos nag ambag rin ako sa grinocery namin kahapon. thank you talaga Lord sa blessing!

maya maya, i'll be leavin' my home again.. balik boarding house. so, pano ba yan computer, see you next week?

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment