fats fats fats

nakakainis.. bat ganun? ang dali-daling magpataba, pero ang hirap magpapayat?

kapag gusto mong tumaba, matutulog ka lang, kakain, tulog, kain.. walang kahirap-hirap, buhay prinsesa ka lang para tumaba.. parang baboy, patulog-tulog at pakain-kain ka lang.

pero ang magpapayat kaya? naku jusko.. kelangan desido ka talaga sa plano mo, kelangan pa ng motivation, kelangan pag aralan ang mga nutrition na kinakain,constant exercise at diet, exercise, diet.. ang hirap kaya nun nakakapagod magexercise.. hihingalin ka ng bonggang-bongga at pagpapawisan pa. sa diet naman, di mo pwede kainin ang mga pagkaing gustong-gusto mong kainin. di ka rin pwede matulog kung di pa naman gabi dahil sabi nila tataba
ka daw. haaaay bakit ba kasi ganun. ang daya.


naalala ko nun nung first year college ako, bale nagboboard pa 'ko nun (boarding house) so sariling sikap talaga, gigising, magluluto, maglalaba.. tapos kelangan pa i-budget ang pera, kaya hindi makagimik. sa sobrang budget ko nun nakaipon ako ng mejo marami, dun na ko kumukuha ng pangpasalubong ko sa kapatid ko everytime uuwi ako samin. nung mga panahong yun, pumayat ako. ikaw ba naman maglaba, magluto at magtipid sa pera. pero inabot pa ng 6months bago ako pumayat (ng walang effort ex: diet,exercise) nung magkita-kita kami ng mga classmate ko nung highschool sa isang nstp celebration, marami talagang nakapansin.. then yun, after one year tumigil na ko sa pagboboard. uwi-uwi na lang ako.
mahigit 1hour ang biyahe simula samin hanggang school, three rides, pero nagtiyaga na lang basta wag lang magboard. ewan, mas maganda kasi matulog sa kwarto ko kasama ang mga stuff toys ko kesa sa boarding house.

so yun.. wala pa ngang 6 months tumaba na ulet ako, sakto pa nun umuwi si tatay galing abroad kaya anjan yung mga paborito kong tsokolate.. haaay naku, ang bilis bilis ko talaga tumaba. isa pa, soooooobraaannngg gustong-gusto ko ang matulog, as in. lalo na kung sa kama ko, naku. ayaw nga maniwala ng nanay ko na kahit 8am na, sarap na sarap pa rin ako sa tulog ko eh. akala niya kasi, gising na ko niyan, nakahiga sa kama at naghihintay lang na katukin sa pinto. pero hindi, tulog talaga ko niyan, pramis. tapos kapag hapon na wala akong ginagawa, once na napahiga ako sa kama ko.. dirediretso na yan, 7pm na ko niyan magigising. gutom na eh. kaya siguro ang bilis ko tumaba. nakakainis ang balat ko, napakastretchable naman kasi masyado. bakit yung mga pinsan ko, kahit ang lalakas kumain (parang kargador ng sako ng bigas kung kumain sa sobrang takaw) pero di naman tumataba. napaka
kunat ng mga balat nila, sana ganun na lang din ang katawan ko kakunat =))


eto ilan sa mga pagkain na matatagpuan sa bawat sulok ng aming bahay >_<



  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

17 comments:

MiDniGHt DriVer said...

hala. ganyan ata talaga buhay eh. tsk tsk.

nakakaasar nga lang na yung iba, kahit dami kinakain di tumataba samantalang tayo eh dalang na nga kumain ang taba pa rin. haaayyy..

ok lang yan! :)

definella said...

uwo nga eh.. super effort sa part natin =))

kikilabotz said...

bwahahaha. parehas tayo ng problema ella. pero bilib me napakadaling magpapayat

definella said...

cge nga.. pano? =))

Diamond R said...

parang grocery lang ha.

Traveliztera said...

okayyyyyyy nakita ko ung mga favorite kong pagkaen! hahahaha!

wow si kikilabotz may madaling solusyon o hahaha!

definella said...

@Diamond R
aheh, ganun ba..

@Travelistera
hulaan ko.. nutella at cream-o?

Loykens said...

naku ella problema talaga ang pagpapayat...sana wala nalang paki alaman sa VITAL STAT.hehehehe

Super Balentong said...

ako mas mabilis lumaki ang tyan ko. sana lahat lumalaki, hindi nakikipagunahan ang tyan. pero ang dami mong pagkain. penge

definella said...

@loykens
uu nga eh, hehe pero mas maganda pa ring yung may minimaintain na figure, bxta wag lang vital stat.haha

@Sbalentong
ayan, ang hihilig kasi sa alak, lumalaki tuloy tiyan.. ahehe piz^^

Super Balentong said...

partida, wala pang alak yan. sa kakaupo lang yun!

Mitchie said...

`pero sa lagay ko , mahirap magpataba ..
heheh .. sana dyan nlang ako nktira sa bahay nyo sis :)

definella said...

@SBalentong
naku,wag ka na mag aalak, baka di lang lumobo tiyan mo, baka manganak ka pa.. LMAO joke lang^^

@mitchie
buti ka pa, sige halika dito sa bahay,pero amin na yang balat mo. ahehe buti kapa di nataba

Traveliztera said...

DEFINELLAAAA! TAMA KA! FAVE KO NUTELLA AT CREAM-O!!! as in never mawawala yan pag bumibili ako! hahaha

ngapala, nacucurious kasi ako sa finetti... matamis ba un msyado?

definella said...

@Travelistera
talagang nasigaw ah, hehe cream-oholic ka pala :) yung finetti, parang nutella din siya, mas matamis lang ng konti.

Super Balentong said...

update na! :)

Hack To The Max said...

aw sarap naman... kakainggit...

Post a Comment