ang hirap talaga magreview! nakakatamad! nakakaantok! nakakasakit na ng ulo.. basa ako ng basa, ayaw naman tumimo (wow, lalim nun ah) sa utak ko. kung sana'y tulad na lang ng computer ang utak ng tao, madaling magsave ng files, madaling magdelete at edit. tingin ko kasi memory full na ang maliit kong utak. gusto kong burahin na ang mga masalimuot na alaala na nasa utak ko para naman madagdagan na ng space at makapagmemorize na ko netong nirereview ko. bukas na ang exam, pero di pa ko natatapos sa chapter 3, mer0n pang chapter 23 at 24 na naghihintay sakin. haaays *deep sigh* bakit kasi ganun? masyado akong nababagot kapag narereview, pero kapag nagbabasa ng blog at poems eh buhay na buhay ang dugo ko.. I TRIED.. i really did! sinusubukan ko talaga, pinipilit kong magreview, but i just end up sleeping.
i even tried their so called TIGER, they say it was an energy booster, pero wala pa din eh, niaantok pa rin ako. nabobored pa rin ako. eto nga't dinaan ko sa pagbablog ang antok ko, ayoko matulog, tanghaling tapat eh, baka sermonan na naman ako mamaya ng nanay ko pag nadatnang tulog ako.
*****random*****
magkasama kaming nagsimba ni kuya kahapon, at napagkamalan pa kaming magshota. dyahe yung ganun, wag naman kay kuya. jusko!
dumating na yung package ni tatay nung friday. kaya sawa sawa na naman sa chocolates. ang ganda nung new LG phone ni bunso.
namatay na si tricia, yung tuta naming maarte. diet ng diet, ayun namatay. inis ako dun, arte kasi. buti pa si jade (nanay ni tricia), ang bait. natuturuan pa namin ng mga dogtricks.
nagloloko na naman ang cdrom ko, di makaread ng cd. asar!
imbes na magreview, mas inuna ko pa ang paggawa ng brownies kanina.
naalala ko lang bigla, wala pa pala kaming nagagawa sa SP namin, patay!
i got new black flat shoes, buti na lang napilit ko si nanay kahapon.
may bagong manga akong pinagkaka'busy'hang basahin. hatenkou yuugi ang title. volume 1 pa lang ako.
yung mysterious girlfriend X di ko na natapos basahin, nagsara na kasi yung onemanga.com.
paubos na yung body spray ko. di pa ko nakakabili ng bago, walang time dumaan sa mall eh :/
birthday ng isa kong kaibigan/classmate kahapon, magkabirtday sila ni michael jackson.
birthday naman ngayon ng isa kong kaibigan na nakilala ko sa uzzap,last year may gift ako sa kanya.kaso ngayon wala maibibigay.
balak kong umorder ng printed t-shirt sa isang kaibigan, pinaguusapan pa ang presyo at shipping.
wala na ata ako balak magreview ngayon.
boringness, tamadness, nakakainis.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
Goodluck sa exams mo hehehe...penge na lang chocolates hehehe...
di natuloy exam kanina, buti na lang! ahaha want chocos? lika dito :)
aw.. lagay ba eh si Jag lang? pano naman ako.. hehehe :-)
ipagdrive mo muna ko ahaha =))
tara.. san ka, daanan kita! :-)
sa may balete drive.. nakawhite ako :p
wahahaha.. Go.. ingat! :-)
Post a Comment