Sa wakas, may pinagkakaabalahan na ulit ako maliban pa sa pagsagot ng crossword puzzle. *huge smile* Nasa training na ko, kasama si odhie! Buti na lang nga at nagkasama kami sa iisang project kahit di kami sabay nag apply nuon. At teka, andun din pala si tinga *grin* classmate ko nung highschool, walang pinagbago.. ang sarap niya pa rin i-joke at ang hilig pa rin niya mangurot. konti pa lang kilala ko sa team, yung mga nakakatabi ko lang sa upuan nakikilala ko, tulad ni.. ummnn.. jona – BU graduate din, tin – Comp programmer, Jonalyn – ano na nga ulet profile niya? Wapakz nalimutan ko na agad *shy smile* basta makulit na bata yun, lagi ako kinakalabit at nagpapatulong. Apelyido niya pala, PAPA. O, search na agad sa facebook dali!
Ganun pala dun, busy lahat ng mga tao. di gaya sa pinag OJT'han ko.. pafacebook facebook lang, kwentuhan at pakain-kain. Buong maghapon busy kami sa harap ng computer nagfoformat ng html codes; yung iba nagtatranscribe, yung iba writers. tunog lang ng keyboard ang pinakamaingay. Nung Monday to Wednesday ang iingay pa namin, tanong kami ng tanong kina ate tess at kuya alwin (assistant nila sir) kung anong gagawin. Pero the next day, keyboard na ang maingay, kami tahimik na. nakaka-adapt na. Ang daya pa.. sabi ni sir mag aasign siya ng isang tao para sa gagawa nung images sa photoshop, akala ko pag naassign na dun i-pupull out na sa pagformat ng html, yun pala hindi.. waaaaah nadoble pa tuloy yung trabaho. Taga format na, taga photoshop pa. pinagpapalista kami kung sino raw marunong sa photoshop, at pipili sila sir ng isang tao, gustong-gusto pa naman namin ni kuya (nakalimutan kong name niya,basta yung nakasabay ko sa pagpalista) na maasign sa photoshop dahil mas madali yun, kesa sa pagformat ng html. Ngorkz! Ayun, malas pala kasi madodoble ang trabaho. Sana hindi na lang ako napili sa photoshop na yun wahaha. Ngayon tuloy nahuhuli ako sa quota ng formatting. Ummnn… pero okay na rin, sige lang. keri naman. Atleast may irarason ako kung bakit di ko nahabol ang quota hahaha. *evil laugh*
DAY 01:
ang malas.. nasiraan ako ng flat shoes. on the first day of training pa! natanggal yung ribbon. >_<
DAY 02:
kinausap kami ng Gen. Manager.. sooooobrang nainspire ako. a man of few words, pero malaman! natatandaan ko pa yung sabi niya:
if you succeed, you succeed as a team!"
DAY 03:
kinausap ako ni sir George, interview about Photoshop. and unfortunately, i won the slot. ngorkz!
DAY 04:
ioorient daw ako about sa images... yun pala papapanoorin lang ako ng presentation. di man nag explain. waaaaaahh!
DAY 05:
quotang-quota na ko. 4 files ngayong araw. pwede na yun, to think multi tasking pa ko kumpara sa kanila. aba, dalawa kaya ginagawa ko. eh sila nagpo-format lang.
:D
Confidential lahat ng business na tumatakbo sa work namin, basta napakayaman at sikat na sikat (promise!) ang client namin. International siya gaya ng microsoft^^