eto ang bagong pakulo ng smart, ang 'thanks God its freeday'.. every friday, free internet conection sila, free browse at download. pati uzzap nila, free din. kaya kanina while i was preparing my things for school, eh todo singit ako sa pagdownload ng mga mobile software sa wapsite ng sony ericsson.
so, ano pang hinihintay mo?.. mag-smart ka na tuwing friday. *wink*
sya nga pala may isisingit lang akong kwento, habang andito ako sa jeep at gumagawa ng post eh may eksena akong nasasaksihan.. sa harap ko ay isang batang may pilay sa kamay, nahulog daw sa puno ng mangga yung bata sabi nung tatay. yung batang yun eh may katabi namang maitim na lalaki. pilit siya kinakalabit. nung lumingon yung bata, eh nagtanong siya.. "ano yan? pilay?" sabay tatawa kasabay ng mga katropa nya. ayaw naman sumagot nung bata pero pilit pa rin siyang kinakalabit nung asungot niyang katabi.. damn! ako ang napipikon sa ginagawa nung lalaking yun eh. nakakaasar siya, nakakaawa na nga yung bata, inaasar niya pa. eto namang tatay parang bingi, di pa nahahalatang inaasar na anak niya. tapos yun namang mga katropa nung lalaki, siraulo kinukunsinte pa siya. anu bang nakakatawa sa pilay? ngayon lang ba sila nakakita ng ganun? sa sobrang inis ko tinititigan ko talaga siya, nakakahalata naman ata siya dahil kita niya sa itsura ko na di ako natutuwa sa ginagawa niya. nakakagigil.
buti na lang pamaya maya nakababa din yung mga lalaking yun, sinundan ko pa ng tingin. then napatingin din sya sakin, patagalan kami, tae yun at parang nang aasar pa kung makatingin. gusto ko batuhin ng tsinelas, jusko! di ako palaaway, madali lang uminit ang dugo ko sa mga ganung tao.
buti na lang umandar na ulet yung jeep.
thanks God its freeday!
|
Labels:
blog
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
me too i'm now enjoying my free internet.. though im still sad regarding on my work issue.. :(
nice^^
forget about your work.. joke :p
Wow.. ang tapang. can u be my superhero too? lolz
sa phone lang ba yung free net? :-)
ampogi nun, di mo type. hahaha. joke.
wag mong batuhin ng tsinelas, mahala ang havs.
smile. :)
ang tapang in fairness.
http://ficklecattle.blogspot.com/
@ Mdriver
oo ba, ako ang superhero na pwedeng arkilahin, wahaha joke.
yup sa phone lang yung net, pero pwede mo iaaply sa smartbro. palitan mo lang yung simcard, gamit ka either buddy or tnt, free net na :)
@Sbalentong
di ko type, sayo na lang.. lol :)
hndi naman havs ang tsinelas ko eh, mahal yun.. kahoy ang akin, gaya nung kay zenki ahaha
@Fcattle
di naman ako matapang, may sanib lang ako that time :)
@ella: ayos.. masubukan nga.. tnx!
hahaha. alam ko yata yung tsinelsa na yun?
hindi naman kamukha nung kay Yaiba ang tsinelas mo. di ko rin sya type e. ikaw na lang. haha
@Mdriver
welcome :) balik ka dito kapag di gumana sa friday^^
@Sbalentong
yun! yaiba pala hindi zenki sorry, aheh! :))
ano?! ako na lang?! wahaha toinks
Ayaw lang cguro ng Ama ang mag ka gulo kaya hindi na niya pinansin yon...nakidaan lang po. Pwede po ba tayong mag exchange links?
siguro nga po, kaso naaawa lang talaga ko sa anak nya.
sige sige tara, exchange link tayo.
anong kagulohan meron kayo dito? hehehehe may ganong pakulo ang smart eh anak ng titing eh diba alam na alam ng pilay nagtanong pa! LOKO!
kaasar nga yung itsura nung nakaitim..malamang kung ako nandyan....kinausap ko yung toyong nakaitim na yun kung ano problema nya at pinagtatawanan nila yung batang may pilay..
Post a Comment