Nakakainis! Nadetect na naman yata ng smart network yung trix na ginagawa namin para makaconnect sa operamini ng libre. Lagi na kasi failed to connect. Ambuseeeet! Di na tuloy ako makapaginternet sa operamini ko. Anytime anywhere pa naman yun, kahit nasa byahe, nasa labas ng bahay, nasa kapitbahay, nasa cr (joke!) nakakainternet ako, download at upload.
Ginagamitan namin ng working proxy para makaaccess kami ng libre. Parang ganito 80.239.242.253:80 linalagay yan sa connection setting ng phone. Then pagbinuksan mo na operamini mo, viola! Libreng internet na. walang bayad kelangan lang meron ka kahit extrang piso para makaconnect ka sa internet. Alam mo naman sa smart, pag checkop ka, di ka pwede makapaginternet, kahit yung wapsite lang nila di mo mabibisita. unlike sa globetattoo at suncel, eh pwede (sabi ng mga classmates ko).
Pwede pa naman ako makagamit ng operamini ko, pero dahil nga detected na yung proxy na gamit ko, mababawasan na load ko everytime koconect sa internet. 10php per 30 minutes. So kung kulang ang load, di makakapaginternet. Susme! Di naman ako mayaman sa load, kaya nga kumakagat ako sa mga trix na ginagawa ng iba eh. Nakakainis na tuloy, lagpas one day na since nakapag internet ako sa phone ko. Haaay.. bihira pa naman ako makapag internet sa bahay. Smartbro lang kasi sa bahay, masyado pang bantay sarado ni nanay. So sa ngayon, naghihintay ako ng mga bagong proxy na mauuso. For sure, nagkakandarapa na naman mga tao sa pinoywap.com. dun kasi madalas nagmumula ang mga trix. Maraming magagaling na tao na nagdidiscover ng trix dun. Too bad wala akong account sa pinoywap. Meron ako nagawa noon, pero di ko na maalala ni password o username. Tinatamad na rin ako gumawa ng bago. uy jaz, bilis magspy ka na sa pw *tawa*
Meron pa ko circumventor, eto naman ang trix na ginagamit para sa built in browser ng phone. As in lahat ng site na mapupuntahan mo puro mobile version. Di na nga pwede maminimize yung application, ang tagal pa magloading. Kaya nakakatamad ang built in browser. Mas maganda pa rin ang operamini. parang ganito yun, daveproxy.co.uk:80 then ang homepage na dapat puntahan is wap.smart.com.ph/browser.php from that, may ipprovide silang address tab kung saan mo ilalagay yung site na gusto mong puntahan. Pero gaya nga ng sinabi ko, ammmbaaaggaaalll ng connection nun. Tatamarin ka lang maginternet.
So pano yan, pahinga muna ang cellphone ko sa pagiinternet. Naka-onleave ba. Di na rin muna ako makakapagonline araw-araw, yung mga notification sa facebook ko di ko machecheck agad, ang aadik pa naman ng beloved potz family ko, kung ano-ano na namang kaekekan nila ang di ko araw araw mababasa dun sa community page namin. Di na rin ako makakapagtweet araw araw, hilig ko pa naman magtweet. Aawww.. at ang blogspot ko.. *sigh* anyway, di naman ako araw araw ng bablog. Pero kahit pa.
Sana magkaroon na ulet ako ng panibagong proxy!
Pahingi ako pleaaassseee…..
*bukas palad, sabay luhod at pa-beautiful eyes*
failed to connect
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Di ba madaming proxy sa Internet? Try mo maghanap. :)
mahirap maghanap eh.. gusto ko yung ginagamit na rin ng iba kong kakilala.. para walang hirap ;)
Post a Comment