fathers day


first and foremost, i would like to say..

HAPPY FATHERS DAY, tay!

:)


alam kong batid mo po ang pakahilig ko sa pagboblog.
simula sa simpleng liham (snail mail) na usong nuon,
sa friendster blog,(na sinabi mong i should keep it up, which i did)
at hanggang sa facebook notes, na uso ang tag.
Sa mga paraang yun, nailalabas ko ang saloobin ko,
at higit sa lahat, naiparating ko sa inyo ang pagmamahal ko.

for the third time, allow me to spill out again the things
that i wanted to say to you. i want to use this opportunity
to reach to you, to tell you things that is burried here..
in my heart.. again, happy fathers day, tatay ko.


may mga pagkakataong siniswerte tayo, nakukuha natin ang ating gusto.
minsan naman, minamalas,at wala tayong choice kundi ang tanggapin ito.
ako? masasabi kong swinerte ako.. in fact, 19 years na kong swerte.
swerte ako sa pagkakaroon ng isang ama, na tulad nyo.
kung di dahil sayo, walang camella jean meralpis dito sa mundo,
wala sanang nagsusulat ng blog na to,
at walang nakaupo dito ngayon sa loob ng bahay mo.
(nakahiga kasi sila kuya, nanay at bunso)
tay, maraming salamat sa lahat lahat,
for being a good father to me at sa mga kapatid ko.
and for choosing nanay to be your wife,
kung di kasi dahil sainyo, wala kaming tatlo dito.
salamat sa pangangaral, at sa pagtuturo ng tama at mali.
salamat sa walang sawang pagtatrabaho, para sating pamilya,
bagamat batid ko ang hirap na nararanasan nyo dyan,
(tulad ng homesick, at pagkakasakit)
alam kong lahat ng pagsisikap at sakripisyong ginagawa mo ay
para sa ikagaganda ng ating pamumuhay.
hiling ko lang sana, alagaan mo pa rin ang iyong kalusugan,
tulad ng madalas kong sinasabi, ingat ka.
ayokong uuwi ka sa atin next time, na magpapaopera ulet,
ayokong nababalitaang galing ka sa doctor at nagpacheck up,
ayokong aabsent ka sa trabaho, dahil may sugat ka.
(literal man o hindi)
kaya sana tay, ingatan at alagaan mo po ang iyong sarili.
gusto ko kahit 60 ka na, 70 or kahit 80 pa,
gusto ko malakas ka pa rin, kaya dapat alagaan mo ang yong sarili.


tay, malaki na ko ngayon, at ilihim nyo man po o hindi, makakahalata pa rin ako.
batid ko ang problemang kinakaharap nyo ni nanay ngayon,
kahit pa hindi umimik si nanay, nakikita ko sa kanya ang problema,
oo di ko alam kung ano ang problema, di ko alam kung sino ang involved,
pero, naapektuhan ako tay, bilang emosyonal na anak, nasasaktan ako.
nasasaktan ako sa mga nakikita ko, ang sakit na inilalabas ni nanay,
kawalan ng gana sa pagkain, kawalan ng tulog tuwing gabi. saksi ako sa lahat ng yon.
minsan pang nakita ko siyang bumili ng red horse noon,
ang sabi niya, di daw kasi siya makatulog, walang epekto yung pills.
kaya sinubukan niya ang alak. alam nating hindi umiinom si nanay,
pero sa mga oras na iyon, napainom siya. dun ko napagtantong matindi talaga
ang problemang meron kayo. minsan pang sinubukan kong tanungin siya,
pero di siya sumagot, confidential daw. nalungkot ako.
lumipas ang mga araw, at ngayon nga, ok na siya kahit papaano.
naalala ko rin ang huli nating pagchat, nakita ko kung gano ka nasasaktan,
walang tigil ang pagtulo ng luha ko noon, pahid dito, pahid duon.
di ko man alam ang eksaktong problema nyo, dama ko namang nahihirapan kayo,
alam kong hindi ako maaaring makealam, gustuhin ko man, di pwede.
iginagalang ko kayo, bilang ama, alam kong malalagpasan nyo po yan,
alam kong pasasaan din at maaayos din ang lahat,
tulad nga ng sinabi mo, everything will be ok, naniniwala po ako,
kasing laki ng pagmamahal ko ang laki ng tiwala ko po sainyo,
kasing lakas ng iyong katawan, ang lakas ng iyong loob at isipan,
i believe na malalampasan nyo po yan, malalampasan ng pamilya natin yan.

hiling ko lang din sana lubusan ng maging maayos ang lahat sa pagitan nyo ni ina.
mahal ko po kayo tay, mahal ko si nanay, mahal ko kayong dalawa.
ayokong kung saan mapunta ang pagiiwasan nyo ngayon, hiling ko lang po sana
maging ok na ang lahat, bumalik sa dati ang relasyon at komunikasyon ninyo.
kaya natin yan tay, kaya natin yan!

my respect for you is unending,
faith is unbound, and love is unquestioning.

you're my hero,
i am you're daughter.. your little girl.


i love you tay, happy fathers day!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

3 comments:

kally perez said...

ang sweet mo naman..katouch! kip it up!!..you really vocal about your feelings to your parents..
sana ganun din ako,when it comes to a very tough situation..there's also something i want to tell with my parents but somehow it maybe forever unspoken'especially to my mom..

definella said...

its da easiest way 4 me,mahirap kasi idaan sa acti0n 4 da fact na 0ut 0f da c0untry c tatay. thanks 4 reading ate kally :)

try to reach 0ut to ur m0m na :p

Rein said...

very nice post..
hapi fathers day sa papa mo..

Post a Comment