Welcome December!

december 1 na, 24 na tulog na lang pasko na. ang bilis ng panahon noh? marami na ang excited, marami na ang nagbabudget ng pera para may ipamasko sa mga inaanak nila (buti na lang di pa ko nagiging ninang ahaha). may mga gumagawa na rin ng mga wishlist nila, yung iba naman excited na sa pagdating ni santa. ako nga nun, paniwalang paniwala talaga ko na totoo talaga si santa claus; kung di pa magabroad si tatay at magcelebrate kami ng pasko na wala sya. nagsabit ako ng medyas gaya ng nakagawian, pero pag gising ko sa umaga, walang ibang laman ang medyas ko kundi isang bente pesos. wala ng mga cookies, chocolates at kendi. dun ko narealize, di pala totoo si santa, tatay natin ang totoong santa claus.


pero nakakalungkot isipin, hindi na mismo si jesus ang ipinagdidiwang natin sa pasko. pagtinanong mo ''ano ang pasko sayo?" anjan yung sagot ng mga bata na "gift, santa claus" "13th m0nth pay o bonus" sa mga nagtatrabaho, at "taas presyo, mabentang produkto" para naman sa mga negosyante. nakakalimutan na natin ang tunay na diwa ng pasko.



sana ngayon maiba naman, sana hindi na puro material na bagay ang isipin natin kapag pasko ang paguusapan.


para sakin? ang pasko ay pagmamahalan, pagpapatawaran, kumpletong pamilya, at sama-samang pagalala kay God.




ikaw, ano ang pasko para sayo?

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

4 comments:

Super Balentong said...

ang pasko ay traffic.
ang pasko ay panahon ng mga naglalakihang billboard ng mga modelo ng brief.
ang pasko ay masaya para sa mga kotong cop.

pero ang pasko ay saya. isang masayang okasyon para sa lahat.

MiDniGHt DriVer said...

Tama ka.. Dahil kay santa, naiiba na ang pananaw naming mga bata tuwing magpapasko. hehe

definella said...

@SBalentong
wahaha, tama, traffic nga.. halos lahat kasi gusto agad makauwi. panahon din ng byahe sa bus, uwi sa probinsya =))


@MDriver
ikaw na ang bata, ikaw na :D

Tsang Buruka. said...

ang pasko nakakasira ng diet.
ehe nakakaseksi din ng bulsa.
pero sobrang nakakaexcite !
parang masarap candy sa isang candy store na palaging limited edition.
:))

Post a Comment