panlasang ella

ansarap talaga kumain... hmmmnn,

may mga namimiss lang akong pagkain ngayon.
mga pagkaing di ko na nakakain dahil iniiwasan ko at iniiwasan ako.

naglalaway na nga ko habang naghahanap ng mga pictures sa google eh.
naiimagine ko na naman kasi kung gano sila kasarap,
nanunuot sa mga ngipin ko yung sarap ng lasa nila.
ay naku, teka nga kuha muna ko ng bowl.
baka biglang tumulo laway ko, eh di may pansalo man lang ako, diba?
*oo na, alam ko ang korni ko hehe*


yung iba gaya ng calamares at french fries eh iniiwasan ko na talaga.

yung sa calamares kasi, iniiwasan ko dahil
sabi ni sir, mga fetus daw pinapakain sa mga pusit na yan.
yung mga pusit daw na imported. eh yun,
natakot ako.. kaya iwas na talaga. as in.
naiisip ko pa lang yung fetus,
naduduwal/nasusuka na ko.
pero kapag naman yung kalamares ang iniisip ko,
naglalaway ako.
lalo na kung may sawsawan na sukang matamis tamis at mejo maanghang.



+

yung sa french fries naman, iniiwasan ko na rin kasi,
cancerous daw yun nung nabasa ko sa internet.
kasi diba babad na babad siya sa mantika. kaya yun,
natakot naman ako kaya mejo iniiwasan ko na rin.
pero nakakamiss din.
kaya bumibili ako kapag talagang laway na laway na ko *grin*



=
tingnan mo toh.. ang sarap oh.
ang hirap iwasan.
kaya dapat talaga pikit-mata para di maglaway.




eto pa isa sa madalas magpalaway sakin kapag nagbobonding kami
ng mga kaibigan ko. eto reason kung bakit gustong gusto ko pumunta sa tusok-tusok.

(ako lang nagimbento ng word na tusok tusok, sinakyan naman ng mag kaibigan ko. basta isa siyang place na tambak ng nagtitinda, puro streetfoods tsaka may mga lugaw rin at fried chicken)


masyado nga lang sosyal yung nahanap kong picture ng shomai.
talagang nakaplato pa at may slices ng orange :)
ang shomai kasi na binibili namin ng mga kaibigan ko
eh yung naka stick lang at may lalagyan na karton gaya ng sa fishball.
pero panalo ang lasa lalo na yung sawsawan nila. The Best!


eto naman yung pagkain na ako ang iniiwasan.

sa manila pa yata yung last kung kain ng palabok eh.
dito kasi samin sa albay, bihira yung mga nagtitinda ng palabok.
maliban sa jolibee at iba pang fastfood chain.
eh gusto ko pa naman kumain dun sa simple at mura lang.
alam mo na, poor ang lola mo^^
nakakamiss ang pagkain nito, yung tamis, asim.. hinahanap-hanap ko.




eto namang tahong, pahirapan ang paghanap nito dito.
ay jusko. wala siguro hilig sa tahong ang mga tao dito samin eh.
nakakatikim lang ako nito, kapag umuuwi ng bahay si tatay.
ang sarap nito grabe. ayaw ko nung may arina.
gusto ko gaya nitong nasa picture.
may kangkong at sabaw.
hmmmnn.. yummy!




  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

5 comments:

Traveliztera said...

pagkabukas ko rito sa post mo, kumulo tyan ko hahahhahaha!!! and to think kakakain ko lang! hahah! ginugutom mo ko lage rito sa blog mo--and i love it! :D

MiDniGHt DriVer said...

Now ko lang to nakita at nagutom ako. sana makatikim na ko ng luto mo :)

definella said...

@travelistera
ahaha well thank you.. salamat at may napapagutom ako sa mga panahong to. akala ko ako lang ang lagim gutom ahaha ^^V

@mdriver
waaahh.. di ako marunong magluto.. puro kain lang ako hihi

Frankie said...

Wow... Pamigay nman dyan.... Ang sarap nman ng mga pagkain na yan.... :D

Super Balentong said...

gusto ko ng tahong mo. penge

Post a Comment