ang hirap talaga magreview! nakakatamad! nakakaantok! nakakasakit na ng ulo.. basa ako ng basa, ayaw naman tumimo (wow, lalim nun ah) sa utak ko. kung sana'y tulad na lang ng computer ang utak ng tao, madaling magsave ng files, madaling magdelete at edit. tingin ko kasi memory full na ang maliit kong utak. gusto kong burahin na ang mga masalimuot na alaala na nasa utak ko para naman madagdagan na ng space at makapagmemorize na ko netong nirereview ko. bukas na ang exam, pero di pa ko natatapos sa chapter 3, mer0n pang chapter 23 at 24 na naghihintay sakin. haaays *deep sigh* bakit kasi ganun? masyado akong nababagot kapag narereview, pero kapag nagbabasa ng blog at poems eh buhay na buhay ang dugo ko.. I TRIED.. i really did! sinusubukan ko talaga, pinipilit kong magreview, but i just end up sleeping.
i even tried their so called TIGER, they say it was an energy booster, pero wala pa din eh, niaantok pa rin ako. nabobored pa rin ako. eto nga't dinaan ko sa pagbablog ang antok ko, ayoko matulog, tanghaling tapat eh, baka sermonan na naman ako mamaya ng nanay ko pag nadatnang tulog ako.
*****random*****
magkasama kaming nagsimba ni kuya kahapon, at napagkamalan pa kaming magshota. dyahe yung ganun, wag naman kay kuya. jusko!
dumating na yung package ni tatay nung friday. kaya sawa sawa na naman sa chocolates. ang ganda nung new LG phone ni bunso.
namatay na si tricia, yung tuta naming maarte. diet ng diet, ayun namatay. inis ako dun, arte kasi. buti pa si jade (nanay ni tricia), ang bait. natuturuan pa namin ng mga dogtricks.
nagloloko na naman ang cdrom ko, di makaread ng cd. asar!
imbes na magreview, mas inuna ko pa ang paggawa ng brownies kanina.
naalala ko lang bigla, wala pa pala kaming nagagawa sa SP namin, patay!
i got new black flat shoes, buti na lang napilit ko si nanay kahapon.
may bagong manga akong pinagkaka'busy'hang basahin. hatenkou yuugi ang title. volume 1 pa lang ako.
yung mysterious girlfriend X di ko na natapos basahin, nagsara na kasi yung onemanga.com.
paubos na yung body spray ko. di pa ko nakakabili ng bago, walang time dumaan sa mall eh :/
birthday ng isa kong kaibigan/classmate kahapon, magkabirtday sila ni michael jackson.
birthday naman ngayon ng isa kong kaibigan na nakilala ko sa uzzap,last year may gift ako sa kanya.kaso ngayon wala maibibigay.
balak kong umorder ng printed t-shirt sa isang kaibigan, pinaguusapan pa ang presyo at shipping.
wala na ata ako balak magreview ngayon.
boringness, tamadness, nakakainis.
thanks God its freeday!
eto ang bagong pakulo ng smart, ang 'thanks God its freeday'.. every friday, free internet conection sila, free browse at download. pati uzzap nila, free din. kaya kanina while i was preparing my things for school, eh todo singit ako sa pagdownload ng mga mobile software sa wapsite ng sony ericsson.
so, ano pang hinihintay mo?.. mag-smart ka na tuwing friday. *wink*
sya nga pala may isisingit lang akong kwento, habang andito ako sa jeep at gumagawa ng post eh may eksena akong nasasaksihan.. sa harap ko ay isang batang may pilay sa kamay, nahulog daw sa puno ng mangga yung bata sabi nung tatay. yung batang yun eh may katabi namang maitim na lalaki. pilit siya kinakalabit. nung lumingon yung bata, eh nagtanong siya.. "ano yan? pilay?" sabay tatawa kasabay ng mga katropa nya. ayaw naman sumagot nung bata pero pilit pa rin siyang kinakalabit nung asungot niyang katabi.. damn! ako ang napipikon sa ginagawa nung lalaking yun eh. nakakaasar siya, nakakaawa na nga yung bata, inaasar niya pa. eto namang tatay parang bingi, di pa nahahalatang inaasar na anak niya. tapos yun namang mga katropa nung lalaki, siraulo kinukunsinte pa siya. anu bang nakakatawa sa pilay? ngayon lang ba sila nakakita ng ganun? sa sobrang inis ko tinititigan ko talaga siya, nakakahalata naman ata siya dahil kita niya sa itsura ko na di ako natutuwa sa ginagawa niya. nakakagigil.
buti na lang pamaya maya nakababa din yung mga lalaking yun, sinundan ko pa ng tingin. then napatingin din sya sakin, patagalan kami, tae yun at parang nang aasar pa kung makatingin. gusto ko batuhin ng tsinelas, jusko! di ako palaaway, madali lang uminit ang dugo ko sa mga ganung tao.
buti na lang umandar na ulet yung jeep.
successfully connected.. again :)
mga 3:30pm kanina ng magpost ako ng kwento tungkol sa nangyari sa internet ng connection ng phone ko. nagdrama pa ako sa last part, yun pala masosolusyunan din agad.
0ne hour after ko i-off laptop ko eh dumating si jaz (kaibigan kong may account sa pinoywap) tapos binalita niya agad yung nabasa niya sa forum ng pinoywap. pinalitan lang yung huling tatlong numbers at ginawang 50. at yun.. supersurf na ulet. ang saya!
nakakapagfacebook at tweet na naman ako. pati tong post na to, gawa ko rin lang sa phone ko at pinost gamit ang operamini ko.
1year and 9 months na rin pala akong nagoopera mini, nakz matagal tagal na rin pala.
oh xa xa, iidlip muna ko sa bus, mellow music pa nipapatugtog ng driver, ang sarap tuloy matulog.
:)
failed to connect
Nakakainis! Nadetect na naman yata ng smart network yung trix na ginagawa namin para makaconnect sa operamini ng libre. Lagi na kasi failed to connect. Ambuseeeet! Di na tuloy ako makapaginternet sa operamini ko. Anytime anywhere pa naman yun, kahit nasa byahe, nasa labas ng bahay, nasa kapitbahay, nasa cr (joke!) nakakainternet ako, download at upload.
Ginagamitan namin ng working proxy para makaaccess kami ng libre. Parang ganito 80.239.242.253:80 linalagay yan sa connection setting ng phone. Then pagbinuksan mo na operamini mo, viola! Libreng internet na. walang bayad kelangan lang meron ka kahit extrang piso para makaconnect ka sa internet. Alam mo naman sa smart, pag checkop ka, di ka pwede makapaginternet, kahit yung wapsite lang nila di mo mabibisita. unlike sa globetattoo at suncel, eh pwede (sabi ng mga classmates ko).
Pwede pa naman ako makagamit ng operamini ko, pero dahil nga detected na yung proxy na gamit ko, mababawasan na load ko everytime koconect sa internet. 10php per 30 minutes. So kung kulang ang load, di makakapaginternet. Susme! Di naman ako mayaman sa load, kaya nga kumakagat ako sa mga trix na ginagawa ng iba eh. Nakakainis na tuloy, lagpas one day na since nakapag internet ako sa phone ko. Haaay.. bihira pa naman ako makapag internet sa bahay. Smartbro lang kasi sa bahay, masyado pang bantay sarado ni nanay. So sa ngayon, naghihintay ako ng mga bagong proxy na mauuso. For sure, nagkakandarapa na naman mga tao sa pinoywap.com. dun kasi madalas nagmumula ang mga trix. Maraming magagaling na tao na nagdidiscover ng trix dun. Too bad wala akong account sa pinoywap. Meron ako nagawa noon, pero di ko na maalala ni password o username. Tinatamad na rin ako gumawa ng bago. uy jaz, bilis magspy ka na sa pw *tawa*
Meron pa ko circumventor, eto naman ang trix na ginagamit para sa built in browser ng phone. As in lahat ng site na mapupuntahan mo puro mobile version. Di na nga pwede maminimize yung application, ang tagal pa magloading. Kaya nakakatamad ang built in browser. Mas maganda pa rin ang operamini. parang ganito yun, daveproxy.co.uk:80 then ang homepage na dapat puntahan is wap.smart.com.ph/browser.php from that, may ipprovide silang address tab kung saan mo ilalagay yung site na gusto mong puntahan. Pero gaya nga ng sinabi ko, ammmbaaaggaaalll ng connection nun. Tatamarin ka lang maginternet.
So pano yan, pahinga muna ang cellphone ko sa pagiinternet. Naka-onleave ba. Di na rin muna ako makakapagonline araw-araw, yung mga notification sa facebook ko di ko machecheck agad, ang aadik pa naman ng beloved potz family ko, kung ano-ano na namang kaekekan nila ang di ko araw araw mababasa dun sa community page namin. Di na rin ako makakapagtweet araw araw, hilig ko pa naman magtweet. Aawww.. at ang blogspot ko.. *sigh* anyway, di naman ako araw araw ng bablog. Pero kahit pa.
Sana magkaroon na ulet ako ng panibagong proxy!
Pahingi ako pleaaassseee…..
*bukas palad, sabay luhod at pa-beautiful eyes*
together we'll fly
when i am with you
i feel so complete,
all my worries are gone
they vanish and fade.
our little talks
kisses and hugs
all of them are what i miss.
i remember your voice
and i miss your eyes,
those soft warm hands
that wrap around mine.
all the sweet whispers you make
brought shiver to my spine.
you just dont know
how i miss you so,
so baby come back to me,
and together we'll fly high
until we reach up the sky.
-ang kulet talaga ng isip ko, matutulog na dapat ako eh. biglang may nabuong tula sa utak ko. ayun kuha ng phone, bukas ng opera mini, at nagpost sa blogspot.
oh siya sige, tulog na ko ah nytnyt^^
they breed, you bleed
i was once a victim too
naalala ko pa nun, kinder ako.. dinala ako sa ospital, naconfine ng ilang linggo, di kumakain, laging tulog, dumudugo ang tenga, ilong at bibig. wala pa ko masyadong kamalay malay sa nangyayari sakin, basta ang alam ko, may sakit ako kaya nasa ospital ako. may mga dumadalaw rin sakin nun, mga kamag-anak, kakilala pati mga ka-churchmate; habang andun sila kakwentuhan ang nanay or tatay ko ako naman ay pikit na pikit, madalas talaga kasi tulog ako.
minsan nagising ako at nagutom, nagrequest ako kay nanay ng isang piatos. nakita ko kasi yung pasyente sa kabila na sarap na sarap sa pagkain ng piatos, so ako naman itong batang inggitera eh nagpabili rin, pero nung nasa kamay ko na yung piatos, kahit isang chip di ko maubos. as in.. ganun ako kahirap kumain. pero kahit wala akong kinakain, lumobo ng bonggang - bongga yung tyan ko. mukha akong butete nung mga oras na yun. si tatay nga daw, palaging puyat kakaisip daw sa lagay ko. (syempre only girl ako nun eh *wink*)
unti-unting nauubos ang mga pasyente dun sa ospital kung saan ako nakaconfine. sabi ni nanay karamihan daw eh namamatay. kaya malaki rin ang chance na matulad ako sa mga "karamihan" na yun. ayoko. ayoko matulad sa kanila. bata pa ko, marami pang lalake ang naghihintay na maging boyfriend ko (JOKE)
yun, sa di mabilang na mga linggo.. nakasurvive din ako..
thanks God dininig niya ang panalangin ko.
eto ako ngayon, dalaga na. marunong na magblog LOL
nalason na rin ako nuong bata pa ako ng pesticide
malikot eh, pinaglaruan ko yung pang-spayer sa ipis, akala ko kasi baril-barilan.
ayun, ako ang nabaril.. nadala ulet sa ospital.
pero di ko alam kung ano ang nauna, nadenggue or nalason.
basta pareho yun nangyari below 8 years old ako.
di ko pa naranasan magka:
*sore eyes
*pigsa
*bulutong
*tigdas
*etc (lol)
pero sana wag na ko dapuan ng mga yan, kuntento na ko sa pagkakadenggue at pagkakalason ko.. tama na yun teh!
=))
deaL :)
no date til i graduate
kapalit ng..
inaasam kong CYBERSHOT TX5.
sure, ang simple.. deal =))
cyberbershot tx5:
-dustproof
-freezeproof
-shockproof
-waterproof
-the world's most thinnest and smallest waterproof digital still camera.
imagine pwede ka magpicture-picture habang nakababad yung tx5 mo sa tubig or kahit magpindot pindot ka pa sa touchscreen nung tx5 mo habang nkagloves ka. diba ang cute
oo tx5 tawag ko at hindi digicam,ganun yun para cool =))
gusto ko pink or black para pwede sa kikay, pwede sa punk LOL
kaya payag ako sa condition na no date til graduation. susko, para date lang, di naman ako araw araw may ka-date, pero kapag may tx5 na ko, araw araw na ako may picture hahaha
kaya sige tay,
DEAL :)
cybershot tx5 ko ah yung kurur pink o kaya black, wag mo kalimutan pag-uwi.. hihi :)
teka kelan ka uuwi? next year? ngek!
at the mall with my mum
nagsimba kami kaninang umaga, pero nauna ng mga 30mins sila nanay at kuya. kaya ayun, nagpunta ko ng church magisa. isang light pink na above the knee legth dress ang suot ko, pinatungan ko ng brown bolero, black shoulder bag naman ang ginamit ko at brown heels. sa jeep pa lang, medyo naconcious na ko. ba naman kasi, bat mukhang ang hihilig nang tumitig ng mga lalaki sa panahon ngayon? makakita lang ng tuhod, napapako na ang ulo. ang sarap dukutin ng mga mata nila, geez! pagdating sa church, si kuya panay ang kantyaw sakin, di ko nalang pinatulan, pagulo lang siya. after church, nagmalling kami ni nanay.
it really sucks shopping with my mum!
(oopz! joke lang)
naman kasi, medyo nakakainis lang. kanina, pili ako ng pili ng shorts then pinakita ko kay nanay yung mga napili ko, aba! sabihin ba naman ang iigsi raw.. eh hindi kaya. anung trip nya? yung uso nuon na lagpas tuhod? yun? yun ba? eh wala ng ganun ngayon. tsaka di naman talaga maiigsi yung mga napili ko eh. hanggang gitna nga ng legs ko mga yun. di tulad ng mga shorts ng girls sa pbb.. ilalim na ng pwet. ahh ewan, wala na.. wala. sya na namili para sakin. ni-reject lahat ng mga napili ko. buti na lang wala dung short na hanggang tuhod, dahil siguro kung meron.. naku patay ako. yun ang pipiliin nya panigurado.
nag-iisang short na nakasurvive sa mga napili ko. sukat muna bago ilagay sa laundry basket.
dito ko na sa bahay sinukat, dyahe naman kasi kung sa mall pa, eh pangbahay lang naman. yung ibang mga style na napili ko ayaw talaga ni nanay. pinalitan nya. pati nga yung mga damit pangtaas na napipili ko, ayaw nya.. susko! ang arte! joke =))
nung bumili rin pala kami ng bedsheet, lalaki yung nag-assist samin. and i cant stop starrin' at him,buti na lang di nya pansin kasi busy sya sa pagkuha ng mga napipili ni nanay. bakit ako napapatingin sa kanya? syempre po kasi ang cute niya, haha pero kasi ang totoo niyan, kamukhang-kamukha nya talaga si jp? sino si jp? sekretong malupet na humahagupet! basta secret, akin na lang yun. pati height, kuhang kuha,ganda pa ng boses *kilig*
namiss ko tuloy yung tao, ssshh!
*wink*