.
tatlong lalake ang sunod-sunod na namatay.
Tanong ni San Pedro sa 1st guy:
"Paano ka namatay?"
1ST GUY: Nahuli ko po ang
asawa ko, may kalaguyo,
may polo at pantalon ng lalake sa kwarto, di naman sa akin, kaya nagwala po ako, binuhat ko yung aparador, inihagis ko sa bintana. Tapos, inatake ako sa puso.
SAN PEDRO: Sige pasok ka na. Ikaw naman?
2ND GUY: Ako po yung nalaglagan ng aparador sa kalsada.
SAN PEDRO: Ok, pasok ka na. Eh ikaw?
3RD GUY: Ako po yung nasa loob ng aparador.
=))
ang tatlong namatay
pbb teen edition 3, james!
pbb teen clash of 2010 is finally over.
gabi gabi kong sinubaybayan, kahit madalas pa akong pagalitan ni nanay sa pagpupuyat kanonood ng pbb, go pa rin ako ng go. at yun na nga, ang bet kong si robert james reid ang naging big winner sa edition na ito^^
kung susumahin, wala naman masyadong naipakita si james kungpara sa ibang housemates (tricia, shey, bret, ryan, etc) na maraming beses iniexpose sa primetime. dala na rin siguro ng hirap sa pagsasalita at pagiintindi ng tagalog, kaya mas pinili nyang maging tahimik sa loob ng bahay ni kuya, at dahil nga siguro sa pagiging tahimik, kaya hindi nakita ng maraming tao ang bad side niya (if any) unlike fretzie, devon, bret.
tulad ni tricia, mayroon ding astig na supporters si james, hindi lang sila basta fans, talagang pursigido sila para kay james, kaya naman naabot ni james ang kinalalagyan nya ngayon. sino ba namang hindi mahuhulog sa charm ni james? kahit ako nga, patay na patay eh. laglag pustiso ko, ngiti pa lang, ulam na.pero di tulad ng mga fans nya, iba ako. never ako bomoto sa kanya or kahit sino sa mga housemates,di ako mayaman tulad ng fans nila eh. wala akong budget para sa pagboto na 2.50 kada sent. datz oh my.. satisfied na ko sa panonod ng uber, pt at ls.
at dahil nga tapos na ang pbb, wala na akong dahilan para magpuyat at pagalitan ni nanay.pwede na ulet akong matulog ng maaga, mga 10pm (yes!)
either way, i never win
If i dress nicely,
i'm a snob
If i dress sexy,
i'm a slut
If i argue,
i'm stubborn
If i'm quiet,
i'm not smart
If i don't sleep with him,
I don't love him
But if i sleep with him,
I'm easy
If i tell my issues,
I'm emotional
If I don't tell him what's wrong,
I don't trust him
If I cheat,
it's over
If he cheats,
he expects to be forgiven and to be given another chance
Either way,
"I NEVER WIN. ."
yesterday, today
.
yesterday, i've been wishing f0r him t0 be mine..
but t0day, i'm g0nna wish f0r s0mething else..
the maturity t0 realize that if he w0uldn't be mine..
i'll still be fine..
you're so inconsiderate, nakakabadtrip!
ganda na sana nung mood ko nung pauwi eh. kasama ang tropa at ibang classmates, tinahak namin ang main gate. nang biglang sumulpot ka, tinatawag mu daw ako sabi ng kasama ko, lumapit naman ako.
IKAW: ella, bukas magìinterview tayo, kanya kanya---
AKO: uy teka,di ako pwede bukas eh, aasikasuhin namin ni ana yung thesis namin, title defence na next next day. (the day after tommorow)
IKAW: eh kelangan natin mag interview ng hapon
AKO: 8-4pm paxok natin diba? so after class lang time namin makapag asikaso, magpapasign ng mga letter sa pannel, adviser, at dean. magpaparecheck ng manuscript sa content adviser, then i-eencode ulet, at magpapaprint pa nun para sa mga pannel, ang dami namin gagawin bukas
IKAW: ikaw na bahala mag manage ng time mo basta kelangan natin maginterview bukas
AKO: grabe. di naman pwede sa bahay namin gawin yun, dahil kelangan namin yung mga prof. kaya during school hours lang kami talaga pwede magasikaso, intindihin mo naman, dami namin aasikasuhin sa sp
IKAW: bakit, kayo lang ba busy, inaasikaso ko rin sp ko ah,
AKO: pero atleast ikaw tapos na magdefence last sem,SP2 ka na ngayon, eh kami sp1 palang, at sa friday na yung defence namin. di namin pwedeng i-set aside yun bukas..
IKAW: bahala ka sa buhay mo!
(then walkout)
alam mo yung feeling ko that time? i almost begging on my tone. bakit napaka incosiderate mo? panu kung ikaw yung nasa lagay ko? tsk! pagbalik ko sa mga tropa kong naghihintay sakin, nagtanong sila.bakit daw galit ka nung paalis kana, .ayun kwinento ko. alam mo sabi nila? dapat daw di ko tinolerate paguugali mo, dapat sinupla kita,kasi yun daw ginagawa nila kapag inaatake ka ng attitude problem mo. ganyan ka daw talaga, masyadong childish, inconsiderate, negative at sarili lang iniisip. nung malaman kong magiging kagroup kita, kinabahan talaga ako. kasi baka lagi ka magalit samin (madalas kita nakikita nuon nagagalit sa mga kagroup mo) at yun nga nangyari. 2days pa lang tayo magkagroup, nagagalit ka na agad. pwede ba?! til tuesday pa naman un bago ifinalize. at presentation pa lang yung inaalburuto mo. eh ako? defence ang naghihintay sakin sa friday. can you be more considerate naman?! pwede naman tayo maginterview after my defence ah. ayaw ko patulan ang galit mo dahil magkagrupo tayo, baka maapektuhan ang project natin, pero di porket di ko sinasabayan ang galit mo, hindi ibig sabihin kelangan mo na kong abusuhin. sige gusto mo ko mag interview bukas? ikaw magdefence ng thesis ko. kaya mo?!
wattah day
sinacrifice ko ang pbb kagabi kahit moment pa ni bebe james ang episode. dang, sobra talaga ko nanghinayang! but no choice, kelangan ng matulog dahil kinaumagahan 7am pa pasok ko.so kanina nga 5am ginising ako ni nanay.pag punta kong kusina bad3p pa, walang pagkain, napaluto pa tuloy akong noodles at gumawang sandwich.. passed 6 na ng makaalis akong bahay, sakto 1hour pa byahe, late na naman ako, deymn! pagdating sa school, wala pa si prof, apat pa lang kami. hanep ah, maaga pa pala ko sa lagay na yun?
unang subject pa lang, may project na kagad, malala pa parang thesis na.. takte nu ba yan, kita ng may thesis na kami, dadagdag pa sa problema.. grrhh, ayun kahit masakit sa kalooban ko, after class naghanap agad kaming target company. naka school uniform pa kami nun ha, kumusta naman ang paa ko nun sa bagong shoes ko, geez, di naman masikip pero sobrang sakit.. ang pula na ng gilid ng hinlilit ko,grabe parang gusto ko na nga magpaa ng mga oras na yun eh.. kung di lang ako magmumukhang tanga siguro ginawa ko na. LOL
Lunch time. kasama ko ang barkada, kumain kami, diet ang lahat, di kami nagrice. haha panu ba naman kasi yung kinakainan namin, crowded! puro 1st year. asar! so lipat kami dun sa di matao, kaso wala silang tindang food for lunch, 'sige ok lang yan,kesa naman makipagsiksikan tayo dun sa kabila' sabi ng kasama ko.. ayun! order agad kami, subo dito, nguya duon, joke dito, tawa dun.. nakz! pede na.. solb ang tanghalian.
next class. lahat tahimik, walang makapalag. maging prof mo ba naman si youknow, tingnan natin kung makakatawa ka. at tulad nga ng naunang subject, project na agad binigay samin, mas malala this time, gawan ba naman daw namin ng system ang isang buong company, lahat ng division, accounting, inventory, payroll, at kung anu ano pa, in short ERP! jusko po! feeling ko babagsak ako ngayong sem na to.. wag naman po!
After 2nd class, assigning of class officers na. pero kami ng katabi ko, may sariling mundo, di kami nagpaparticipate, busy kami sa pagcompose ng txtmsg para sa headmanager ng client namin.hihi.. di naman seryoso pagassign nila eh, walang votation, pag gusto ng lahat, yun na agad. wala ng raise-raise ng kamay. nang bigla ba naman akong manominate as representative of the class, tapos yun na,nagiingay na, pati mga barkada ko, nakisawsaw, binebenta na nila ko,kita ng ayaw ko maging officer. so object agad ako,tamang tama groupmate ko si mr.president. kaya yun, blackmail sya! haha
ako ang nagwagi =))
for the lover of my soul
I am a Christian
I am a Praiser not a Rockstar..
I'm part of a team not a band..
I play to please the Lord not the world..
'coz I'm a worshiper not a performer..
while other sing for love of music, self-fulfillment and fame..
I sing a different song..
I sing for my Maker and Lover of my soul..
1st day of class
wa wentz!
pinagpawisan lang ako sa wala, dang! maghapong tambay sa school. ang dami pang mga nagpapaenrol, late enrollees. tancha ko more than 50 pa yung nakapila nun. so yung ibang mga prof hindi makapaxok sa class nila kasi kelangan sila ng mga nagpapaenrol, at yung iba tinatamad pa imeet mga studyante nila. hanep na mga prof noh? ewan, sanayan na lang siguro.sa mahigit 3yrs ko sa school na toh, nasanay na rin akong ini-indian ng mga professor sa 1st week ng klase. so immune na ko, ahihi..so yun, what happen yesterday was, yung mga studyante, ayun lumalabas na ng classroom at tumatambay somewhere na mahangin.
parang plaza lang n0h? hakhak, kita mo yung puno jan? sabi nila may kapre daw jan este sabi pala nila yan daw ang pinakamatandang puno sa lungsod ng legazpi. sobrang laki nyan, ang daming branch at ang yayabong din ng mga dahon (tama ba sentence ko? ahihi basta getz mo na yun) ilang oras din kami tumambay jan, kwentuhan dito, tawanan dun, asaran dito, banatan dun. namiss ko toh! yung simpleng bagay lang, pero hahanap hanapin mo, aweh!
dumating yung oras, 2nd class na pala, di kami sumipot, turn naman namin para mang indian, hekhek :evil smile: so yun, sinamahan na lang namin yung friend namin na asikasuhin clearance nya, di pa sya nakakaenrol, deymn! so yun, pinaiwan muna sa desk ng registrar yung clearance nya, then gumala na kami,
labas kaming school, sakay ng jeep, then baba sa mall. dyahe nga eh, mali pa yung nasakyan namin, kasalanan ko, bigla bigla nalang ako sumakay, sumunod naman sila, walanya! XD so yun, malapit lng naman yun MOA este gaisano pla sa binabaan namin kya walkaton na kami. gala gala muna, sukat ng shades, slippers, banggles, pero wala naman talaga kami balak bumili ng mga yun haha. ang nasa budget ko lang kasi that time eh pambili ng body spray at headband. so yun, pasok kami sa bench, amoy amoy ng tester, then labas. lipat sa penshoppe, dyahe walang tester. balik sa bench. pili pili, walang mapili, naghalo halo na amoy sa ilong ko, ayun, yun na lang! yung gamit ko nung highschool na madalas maubos ng mga friends ko.
in the passing clouds i felt a rush
as thoughts of you made blush
every time of you i think
i always get so TICKLED PINK.
XD
ang ku-kyut :)
tagged game
after long years, nag upload na ulet akong vids sa youtube..
wiieeehh.. dinelete ko na ung mga vids ko noon, it reminds me of him kasi ih.. deymn!!
my CHANNEL
eto nga pala isa sa mga inupload ko..
pinost ko dito kasi gusto ko laro tayo,
aheh..
lam mo yung tagged game?
once na napanood mo to, you are automatically tagged.
so, what you have to do is upload your own 40 random things video.
and sa huli ng video mo, ilagay mo ang "you're tagged"
may kumagat kaya?
okie, game!!
BGmusic loop failed.. arrghh!!
bakit ayaw gumana ng loop sa BGmusic ko? waaaahhh!!
may mali ba sa codes ko? eto yung code woh
|
|
v
< allowscriptaccess="never" allownetworking="internal" src="http://divine-music.info/musicfiles/Regina Spector - Samson.wma" autostart="true" loop="true" width="0" height="0" align="CENTER">< /embed>
after magplay ng isang beses.. tapos na xa, ayaw na umulit, nakaloop naman.. awts!
panu ba dapat? waheh
fathers day
first and foremost, i would like to say..
HAPPY FATHERS DAY, tay!
:)
alam kong batid mo po ang pakahilig ko sa pagboblog.
simula sa simpleng liham (snail mail) na usong nuon,
sa friendster blog,(na sinabi mong i should keep it up, which i did)
at hanggang sa facebook notes, na uso ang tag.
Sa mga paraang yun, nailalabas ko ang saloobin ko,
at higit sa lahat, naiparating ko sa inyo ang pagmamahal ko.
for the third time, allow me to spill out again the things
that i wanted to say to you. i want to use this opportunity
to reach to you, to tell you things that is burried here..
in my heart.. again, happy fathers day, tatay ko.
may mga pagkakataong siniswerte tayo, nakukuha natin ang ating gusto.
minsan naman, minamalas,at wala tayong choice kundi ang tanggapin ito.
ako? masasabi kong swinerte ako.. in fact, 19 years na kong swerte.
swerte ako sa pagkakaroon ng isang ama, na tulad nyo.
kung di dahil sayo, walang camella jean meralpis dito sa mundo,
wala sanang nagsusulat ng blog na to,
at walang nakaupo dito ngayon sa loob ng bahay mo.
(nakahiga kasi sila kuya, nanay at bunso)
tay, maraming salamat sa lahat lahat,
for being a good father to me at sa mga kapatid ko.
and for choosing nanay to be your wife,
kung di kasi dahil sainyo, wala kaming tatlo dito.
salamat sa pangangaral, at sa pagtuturo ng tama at mali.
salamat sa walang sawang pagtatrabaho, para sating pamilya,
bagamat batid ko ang hirap na nararanasan nyo dyan,
(tulad ng homesick, at pagkakasakit)
alam kong lahat ng pagsisikap at sakripisyong ginagawa mo ay
para sa ikagaganda ng ating pamumuhay.
hiling ko lang sana, alagaan mo pa rin ang iyong kalusugan,
tulad ng madalas kong sinasabi, ingat ka.
ayokong uuwi ka sa atin next time, na magpapaopera ulet,
ayokong nababalitaang galing ka sa doctor at nagpacheck up,
ayokong aabsent ka sa trabaho, dahil may sugat ka.
(literal man o hindi)
kaya sana tay, ingatan at alagaan mo po ang iyong sarili.
gusto ko kahit 60 ka na, 70 or kahit 80 pa,
gusto ko malakas ka pa rin, kaya dapat alagaan mo ang yong sarili.
tay, malaki na ko ngayon, at ilihim nyo man po o hindi, makakahalata pa rin ako.
batid ko ang problemang kinakaharap nyo ni nanay ngayon,
kahit pa hindi umimik si nanay, nakikita ko sa kanya ang problema,
oo di ko alam kung ano ang problema, di ko alam kung sino ang involved,
pero, naapektuhan ako tay, bilang emosyonal na anak, nasasaktan ako.
nasasaktan ako sa mga nakikita ko, ang sakit na inilalabas ni nanay,
kawalan ng gana sa pagkain, kawalan ng tulog tuwing gabi. saksi ako sa lahat ng yon.
minsan pang nakita ko siyang bumili ng red horse noon,
ang sabi niya, di daw kasi siya makatulog, walang epekto yung pills.
kaya sinubukan niya ang alak. alam nating hindi umiinom si nanay,
pero sa mga oras na iyon, napainom siya. dun ko napagtantong matindi talaga
ang problemang meron kayo. minsan pang sinubukan kong tanungin siya,
pero di siya sumagot, confidential daw. nalungkot ako.
lumipas ang mga araw, at ngayon nga, ok na siya kahit papaano.
naalala ko rin ang huli nating pagchat, nakita ko kung gano ka nasasaktan,
walang tigil ang pagtulo ng luha ko noon, pahid dito, pahid duon.
di ko man alam ang eksaktong problema nyo, dama ko namang nahihirapan kayo,
alam kong hindi ako maaaring makealam, gustuhin ko man, di pwede.
iginagalang ko kayo, bilang ama, alam kong malalagpasan nyo po yan,
alam kong pasasaan din at maaayos din ang lahat,
tulad nga ng sinabi mo, everything will be ok, naniniwala po ako,
kasing laki ng pagmamahal ko ang laki ng tiwala ko po sainyo,
kasing lakas ng iyong katawan, ang lakas ng iyong loob at isipan,
i believe na malalampasan nyo po yan, malalampasan ng pamilya natin yan.
hiling ko lang din sana lubusan ng maging maayos ang lahat sa pagitan nyo ni ina.
mahal ko po kayo tay, mahal ko si nanay, mahal ko kayong dalawa.
ayokong kung saan mapunta ang pagiiwasan nyo ngayon, hiling ko lang po sana
maging ok na ang lahat, bumalik sa dati ang relasyon at komunikasyon ninyo.
kaya natin yan tay, kaya natin yan!
my respect for you is unending,
faith is unbound, and love is unquestioning.
you're my hero,
i am you're daughter.. your little girl.
i love you tay, happy fathers day!
Secret Feeling
.
i met you at uzzap,
we became a good bud,
we created a great bond.
you talk to me like nothing,
but i listen to you like you were my everything.
sad to say i have to keep this feeling,
our friendship, i dont want to be ruin.
were not destined...
cause you're an engineer and im a programmer.
such a different world, isn't it?
i know you wouldn't like me,
in any possible way.
so i'll just keep you in my heart.
there, you'll be burried forever and ever.
i wrote this poem way back 2008.
geez, patay na patay ako sa kanya nun.. ssshh!
pero tanggap ko na, tagal na.
natatawa lang ako sa poem na toh,
grabe pala ko ng mga oras na yun noh,
high na high.. haha..
i miss him, our tandem.
and i miss them, our uzzap family.
*_*
.
PARI: Lalaki tinatanggap mo ba ang taong ito
maging kabiyak ng iy0ng puso sa habangbuhay??
LALAKI: Opo father,...
PARI: Ikaw naman malanding ilusyonadang bakla,
na mukhang kabayo, at mukhang pokpok sa suot na gown
feeling mo napakaganda mo? tinatanggap mo
ba ang lalaking ito mging kabiyak, at
habang buhay na susustentuhan at habang buhay
din mababaon sa utang? An0h? Sag0t agad?
BAKLA: ikaw ba father tutol ka sa bonggang kasalan namin,
at kaylangan mo pa akong lait-laitin ng bonggang bongga?
At take note naka-mic ka pa.
-taob si father XD
si [,] at si [..]
[,] kumusta na?
[..] malungkot, ikaw?
[,] eto, sinusubukan
maging masaya...
sa piling nya.
[..] ...
[,] nga pala,
sinosoli ko na ang
singsing.
[..] bakit,wala na
ba talaga?
[,] patawad.
[..] mahal mo ba
sya?
[,] ...
[..] sana hinintay
mo na lang ako
[,] sinubukan ko
sa umpisa
[..] bakit ka huminto?
[,] nawalan na ko
ng pag asa. Natakot akong
maghintay sa wala
[..] pero...
[,] sana binigyan mo ko
ng kasiguruhan
[..] di mo ba
halata sa kilos ko?
[,] hindi sapat ang kilos,
maaaring
magkamali
sa
interpretasyon.
[..] siguro nga
nagkulang ako
[,] ...
[..] pero, di pa huli
ang lahat diba?
May pagasa pa ko?
[,] patawad, pero
mahal nya ko,
ayoko syang saktan.
[..] mahal din kita,
hahayaan mo ba
kong masaktan?
[,] nasaktan na ko
ng minahal kita,
ayoko na.
[..] nasaktan din ako ng
mga panahong yun,
[,] ...
[..] at hangang ngayon,
nasasaktan pa rin ako
[,] hindi ko sinasadya.
Kapwa tayo nasaktan
[..] naiintindihan ko,
maghihintay pa rin ako
[,] huwag!
[..] handa akong maghintay
[,] lalo lang ako masasaktan
Kapag ginawa mo yan.
Kalimutan mo na ko.
[..] pero di ko kaya
[,] kayanin mo..
[..] ikaw ang buhay ko
[,] hindi- kalimutan
mo na ko..
[..] alam mong di
ko yan magaga--
[,] parang awa mo na..
[..] ....
....
....
-mga kaek-ekan ko na naman XD Impluwensya galing sa black book ni master bob ong.. Yun nga lang, iba talaga sya, asa pa ko =)) sige, sa uulitin ha.. Salamat sa pagbabasa *wink*
Tara kain tayo
.
boring!
stock na naman ako sa bahay.
anyway, kelan naman ako gumala diba.
taong bahay na ako, noon pa.
*tawa* mas prefer ko pa mag moviemarathon
kesa gumala, ewan, ganun talaga eh.
lately, nakakahiligan na naming
tatlo magkakapatid ang magtipa ng piano.
si kuya, bumibirit sa kiss the rain ni yiruma
si bunso, sa fur elise, mejo mabilis ang tempo.
at ako? sa london bridge.. haha XD
wala akong constant na pinagaaralan eh,
tipa lang ako ng tipa, parang bata.
konting intro ng 'kiss the rain',
tas magkochorus ng 'may bukas pa'
then lipat sa chord ng 'black parade'..
then after, tatayo na ko. SAWA NA.
gusto ko matuto magpiano.. (yung todo na talaga)
kaso nitatamad talaga ko magaral.
sabi nga ni nanay, mag piano lesson daw ako,
sabi ko naman, 'yoko.'
sabi ni kuya 'hanggang 'gusto' ka lang, di ka naman nagaaral'
sa isip isip ko lang, 'eh diba nga tamad ako?'
teheeehh :D
Rumarason kahit mali, ahaha.
-_-
kanina nagkkwentuhan kami ni kuya,
abat parang defensive si kuya sa mga jejemon,
galing daw kasi sa mga spanish.
Tulad ng MAJA, ang basa ay maha.
sa jeje naman, hehe..
watdapakk! XD
jejebuster ba kong maituturing?
ewan din, di naman ako galit sa mga jejemon eh
pero di ko naman gusto ang paraan nila ng pagtetext.
siguro nga jejebuster ako..
who cares, patis!
=))
oh sige, out na ko, tinatawag na ko eh,
kakain na daw pala, nu oras na ba?
11:46am na, ay lunch time na.
sige sige, happy lunch time sa inyo,
tara, kain tayo.
pasukan na!
.
malapit ng pasukan.
yieeh, excited much? haha n0t really.
kapag college na, mahirap ng maexcite.
sa mga upcoming freshmen siguro, Oo.
pero sa tulad kong magpo-4th year na?
naku, mas kinakabahan pa nga ko.
panu ba naman, andyan na yung pamatay mong THESIS.
online geographical information system animal habitat of DENR R.O. V
temporary title pa lang namin yan ng partner ko,
wala pa kasi title defense namin, baka next week pa.
di ko nga alam kung saan ko uumpisahan eh, toinks! XD
ang idea nyan eh, gagawa kaming search engine,
tatype mo name ng animal na gusto mo,
then lalabas yung general info bout dun sa animal na yun,
tas magpoprovide din kami ng mapa kung saan yun matatagpuan. may iba pa kaming features na gagawin,
pero yung nabanggit ko ang main.
approved na ng DENR yung proposal namin,
so expected ng gagamitin nila yun in the future.
ang tanong...
MAGAWA KAYA NAMIN NG PARTNER KO?
isang malaking SANA..
hehe, puro lang kasi idea, di pa alam kung san sisimulan.. XD
anyways, Godbless nalang sa darating naming title defense.
kelangan ko ng maraming lakas na loob.
=)
enrolled na nga pala ko,
at jusko po! ang pangit ng schedule ko.
tuesday 7am-7pm watdapak!
hirap pa namang gumising ng maaga, 1hour pa byahe ko.
panu na yan? eh di lagi na ko late?! waaaahh!
ayoko pa naman ng mag board.. maraming tentasyon eh,
baka mapariwara ako, choks! XD
wish ko lang sana baguhin ng prof ko yung schedule,
oh kaya sana lagi din sya late, para square kami..
(panu naging square yun? haha ewan ko din eh,basta!)
XD
kanina after namin magsimba, namili kami.
school supplies kay buso, mga pambahay kay kuya, grocery kay nanay at cosmetics naman sakin.
nagpabili rin pala akong concealer (para sa eyebags? haha) at foundation.
oo na, oo na, bihira na ako magfoundation.
trip trip ko lang, bukas makalawa magsasawa din ako magpunas ng mukha XD.
Di lang talaga ko sanay mag ayos ng mukha (pero i have the stuffs) pawisin kasi ko.
mahilig ako sa mascara. badtrip kasi bagsak mga lashes ko =D
pero bihira din lang ako gumamit nun.
kulang din kasi sa time magayos. lagi ako late, kaya panu pa?
sana lang mabago pa sched ko.
cross fingers. XD