status: confused

again.... its been months since the last time i visited my blog.

**sigh**

maraming nagbago.. sa buhay ko.
sila mismo nagsabi.. nag transform ako.
pero emotionally.. malungkot pa rin.
cause im still head over feet with this guy.

this guy is the reason for everything.
sa umpisa tahimik lang akong nagmamahal sa kanya.
as time goes by.. mas napapalapit na kami sa isa't-isa.


pero di ko maintindihan ang drama niya.
there would come a time na ok kami.
i thought the feeling was mutual and then suddenly... lalamig.
lilipas ang araw magiging ok na naman.. tapos manlalamig na naman.

ang sabi ko sa kanila pagod na ako.
....Oo, pagod na ko.
ang sabi ko sa kanila magmomove forward na ko.
..Oo, tinatry ko.

pero sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko,
lahat ng mga sinabi ko, kinakain ko.


ang masaklap, there is no "us"
hindi MU
hindi magkaibigan
kundi magkatrabaho lang.


lang.



ayoko na. pero gusto ko pa rin siya.
hindi ko alam kung anong nakita ko sa kanya.
hindi siya ideal, aminado ako.
pero bakit siya ang tinitibok nito?

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

I got sunshine^^

I'm happy...
I'm feeling glad..

I got sunshine
... ♫
ang saya ko talaga kaninang umaga.. iiieeehh.



lagi kami nagkakatabi sa jeep pagpasok ng trabaho, pero kanina lang niya ko kinibo. kahapon lang, nagkahiwalay pa kami kasi sumingit si manong sa gitna namin, pero ngayon bawing-bawi na ako. quotang quota na! woooh..
medyo mahaba haba din napagkwentuhan namin, nagsimula lang sa...

"ang aga nating dalawa ngayon ah"

pareho kasi kami nag-aantay ng jeep nung time na yun.. around 5am. gaya ng sabi ko, lagi kami nagkakasabay sa pagpasok sa trabaho. tas ayun na nga, todo smile naman ako nung kausapin niya ko, sabi ko sa sarili ko, "yes napansin rin ako" tapos naman, sa sobrang saya ko.. "Oo nga" lang nasagot ko. grrh, sabi ko 'patay na, end of conversation agad to' ang tipid ng sagot ko.


pero hindi...


buti na lang may follow up question siya. at dun na nagsimula ang kwentuhan namin habang nag-aantay ng 1st trip na jeep. napag usapan din namin yung day-off bukas. wala siya pasok pero ako meron, di pa kasi ako nakaka 1month sa work kaya di pa ako makakasabay sa day-off bukas.. (wawa naman ako)

ngayon, naalala ko.. di ko siya makakasabay bukas sa pagpasok sa work. then sa monday, iba na shift ko, di ko na siya makakasabay... hala, kelan na ulet?


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS