Pusong nagsisisi

Bakit di ko agad nakita?
Pag-ibig mo di agad napuna.
Tuloy ngayon nagsisisi,
Pag-ibig mo'y di na mahuli.

Ikaw ba'y napagod na?
Pagmamahal saki'y tinigil na?
Di na ba maibabalik?
Pagmamahal mo'y di na mauulit?

Kung maibabalik lang ang nakaraan,
Pagmamahal mo'y agad susunggaban.
Di na muli magaagam-agam
Pagkat ito'y akin ng inaasam.

Mensaheng ito iyo sanang mabasa
Pagkat sabihin sayo ng harapa'y di ko kaya.
Nadarama'y idinaan sa tula,
Mensahe nito'y sa puso nagmula.

Mahal na kita ngayon,
Maaari mo bang ibalik ang iyong nararamdaman noon?

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

2 comments:

Anonymous said...

Wow magandang tula... Nasa huli pagsisisi... :D

MiDniGHt DriVer said...

aw... nasa huli talaga ang pagsisisi. pero hu knows, malamang mahal ka pa rin nyan dahil hindi naman basta basta nawawala ang pagmamahal lalo na kung taos ito sa puso.

Post a Comment