at the mall with my mum

nagsimba kami kaninang umaga, pero nauna ng mga 30mins sila nanay at kuya. kaya ayun, nagpunta ko ng church magisa. isang light pink na above the knee legth dress ang suot ko, pinatungan ko ng brown bolero, black shoulder bag naman ang ginamit ko at brown heels. sa jeep pa lang, medyo naconcious na ko. ba naman kasi, bat mukhang ang hihilig nang tumitig ng mga lalaki sa panahon ngayon? makakita lang ng tuhod, napapako na ang ulo. ang sarap dukutin ng mga mata nila, geez! pagdating sa church, si kuya panay ang kantyaw sakin, di ko nalang pinatulan, pagulo lang siya. after church, nagmalling kami ni nanay.

it really sucks shopping with my mum!
(oopz! joke lang)

naman kasi, medyo nakakainis lang. kanina, pili ako ng pili ng shorts then pinakita ko kay nanay yung mga napili ko, aba! sabihin ba naman ang iigsi raw.. eh hindi kaya. anung trip nya? yung uso nuon na lagpas tuhod? yun? yun ba? eh wala ng ganun ngayon. tsaka di naman talaga maiigsi yung mga napili ko eh. hanggang gitna nga ng legs ko mga yun. di tulad ng mga shorts ng girls sa pbb.. ilalim na ng pwet. ahh ewan, wala na.. wala. sya na namili para sakin. ni-reject lahat ng mga napili ko. buti na lang wala dung short na hanggang tuhod, dahil siguro kung meron.. naku patay ako. yun ang pipiliin nya panigurado.


nag-iisang short na nakasurvive sa mga napili ko. sukat muna bago ilagay sa laundry basket.


dito ko na sa bahay sinukat, dyahe naman kasi kung sa mall pa, eh pangbahay lang naman. yung ibang mga style na napili ko ayaw talaga ni nanay. pinalitan nya. pati nga yung mga damit pangtaas na napipili ko, ayaw nya.. susko! ang arte! joke =))

nung bumili rin pala kami ng bedsheet, lalaki yung nag-assist samin. and i cant stop starrin' at him,buti na lang di nya pansin kasi busy sya sa pagkuha ng mga napipili ni nanay. bakit ako napapatingin sa kanya? syempre po kasi ang cute niya, haha pero kasi ang totoo niyan, kamukhang-kamukha nya talaga si jp? sino si jp? sekretong malupet na humahagupet! basta secret, akin na lang yun. pati height, kuhang kuha,ganda pa ng boses *kilig*

namiss ko tuloy yung tao, ssshh!

*wink*

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

4 comments:

Super Balentong said...

naimagine ko kung gaano ka kasexy sa light pink above the knee dress mo [not in a maniac way ha].

kaya hindi mo masisisi si manong bakit tumitingin sya sayo, alipin sya ng iyong alindog!

yung shorts sa pic mo, di naman maiksi. alam ko rin yung sinasabi mo na shorts, yung yung mga dangkal shorts di ba?

definella said...

alipin ng alindog? ngak, sana alipin sa aming bahay nlng, para naman useful :)

tama shorts na dadangkal, yung pagtumuwad, wala na.. kita na. lol kaya nga di pinalitan ng nanay ko yang short sa pic, yan kc pinakamahaba sa napili ko^^

kikilabotz said...

wow ang seksi seksi ni ella..haha. ^_^

definella said...

sabay tawa?! toinks haha

Post a Comment