gising pa din

its been an hour na since nagtweet akong matutulog na ko, and yet.. eto pa rn ako. gising na gising!!

pano nga ba naman ako makakatulog kung hawak hawak ko tong cellphone ko at nag iinternet :) naka-off na nga ang laptop ko, nakaopen naman ang cellphone ko.. ang masama pa, may load ako, kaya malakas talaga ang hatak na mag online ako. sakit na bang maituturing to? oh bisyo na kinaaadikan ko?

kelangan ko pa naman magising bukas ng maaga, mga 6am, kasi magbibeach kmi, mga 2hours swimming lang. parang exercise na din, kapag lumabas na ung init ng araw, uuwi na kami. so probably towel at junkfood lang ang dala namin bukas. hindi naman ganun kalayo ang dagat samin, pero hindi rin ganun kalapit. sakto lng. 1ride din xa kung tamad ka, pero kung marami kayo, maglakad nalang kayo kasi mas masaya. maraming resort din ang andito samin, may jazz resort, panaray0n beach resort, dreamland, morales beach, tanchuling, at madami pa.. pabonggahan lang sila sa lugar, pero ang dagat na pinaliliguan, pareho lang din. at dahil di naman kami magtatagal sa pagligo. di na kmi nagrerent ng cottage, sa buhangin nalang iniiwan ang towel at mga tsinelas. at since masyado pang mga aga kami naliligo, wala pang masyadong tao :-)

ay teka napapalayo na naman ako. pss.. kelangan ko na talaga ilayo sa kamay ko tong cellphone, dahil kung hindi, mapupuyat ako at di ako makakasama sa swimming bukas. at ayaw kong mangyari yun. kaya matutulog na ko pagkatapos ng post na toh..


gudnyt blogger :)

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

1 comments:

click here said...

^_^

Post a Comment